• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-11-04 16:39:08    
Caexpo, mabisang plataporma para sa kooperasyong pangkabuhayan ng rehiyon

CRI
Mula noong ika-19 hanggang ika-22 ng nagdaang buwan, idinaos sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi Zhuang, ang ika-2 Caexpo o China-ASEAN Expo.

Ang itinatatag na CAFTA ay magiging pinakamalaking malayang sonang pangkalakalan sa Asya at ikatlo namang pinakamalaki sa daigdig. Ang pagdaraos ng Caexpo ay isang konkretong aksyon ng mga pamahalaan ng Tsina at sampung bansang ASEAN para mapasulong ang kanilang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan at mapabilis ang pagtatatag ng CAFTA. Sinabi ni Ginoong Zheng Junjian, pangalawang alkalde ng Nanning, lunsod tagapagtaguyod ng ekspo, na,

"Ang Caexpo ay mahalagang platporma at isa ring accelarator para sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN. Kasunod ng pagpapabilis ng pagtatatag ng CAFTA, sa pamamagitan ng ekspong ito, matatamo ng sirkulong industriyal ng dalawang panig ang mas maraming pagkakataon para sa pagpasok sa pamilihan ng isa't isa at lubos na tatamasahin ang bentahe na dulot ng liberalisasyon ng kalakalan at pasilitasyon ng pamumuhunan."

Noong isang taon, idinaos ang kauna-unahang Caexpo sa Nanning. Ito ang pinakamalawakang aktibidad na pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at mga bansang ASEAN at unang hakbang ng pagtatatag ng ASEAN at rehiyong Silangang Asya ng mas mahigpit na relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan. Sa ekspo na may temang "pagpapasulong ng pagtatatag ng CAFTA at pagbabahagi ng pagkakataon ng kooperasyon at pag-unlad", lubos na ipinakita ang komong kapakanan at pangangailangan sa pag-unlad ng Tsina at sampung bansang ASEAN. May prinsipyong mutuwal na kapakinabangan ang ekspo, nagbibigay-pokus ito malayang kooperasyong pangkalakalan at binubuksan ito sa sirkulong komersyal ng buong daigdig. Ito ay isang komprehensibong pandaigdig na ekspo at nagbibigay ng mabisang plataporma para sa pangmatagalang kooperasyon ng Tsina at ASEAN.

Ang malaking pamilihan at maraming pagkakataon na dulot ng CAFTA ay nakaakit sa maraming negosyante mula sa Tsina, ASEAN at mga iba pang lugar ng daigdig para lumahok sa Caexpo. Ayon kay Ginoong Zheng,

"Ang bilang ng mga bahay-kalakal na lumahok sa kauna-unahang Caexpo ay umabot sa 1505 at ang bilang ng mga kalahok na negosyante ay lumampas sa 20 libo. Ang halaga ng transaksyon ng mga paninda sa ekspo ay umabot sa mahigit isang bilyong Dolyares at narating ang 129 na proyekto ng pamumuhunan ng pondong dayuhan na nakakahalaga ng halos 5 bilyong Dolyares."

Pagkaraang pasimulan ng Tsina at ASEAN ang plano ng pagpapababa ng taripa sa malayang sonang pangkalakalan, ang nalalapit na ika-2 Caexpo ay magiging pinakamabuting plataporma ng transaksyon ng mga may kinalamang paninda. Dahil dito, mas masigla ang mga bantog na bahay-kalakal ng Tsina, ASEAN at mga iba pang bansa ng Asya at daigdig sa kasalukuyang ekspo at ang bilang ng mga kalahok na negosyante ay lubos na lalaki. Hinggil dito, sinabi ni Ginoong Zheng na,

"Sa kasalukuyan, tiniyak na ng mga bansang ASEAN, Timog Korea at Hapon ang mahigit 3 libong mamimili na lumahok sa ekspo. Ang bilang ng mga intensyonal na proyekto ng pamumuhunan mula sa mga bansang ASEAN ay lumampas naman sa 700. Kabilang dito, 69 ang mula sa Pilipinas, 100 ang mula sa Indonesya at 138 ang mula sa Vietnam."

Ang Caexpo ay isang mahalagang bintana na nagpapakita ng bunga ng pagtatatag ng CAFTA. Pagkaraan ng matagumpay na kauna-unahang ekspo, bagama't iba-iba ang inaasahan ng iba't ibang panig sa ika-2 ekspo, magkahawig ang pag-asa at pananalig ng Tsina at mga bansang ASEAN sa pagpapasulong ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Asya at sa komong pag-unlad ng rehiyon.