• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-11-07 14:53:26    
Oktubre ika-30 hanggang Nobyembre ika-5

CRI

Dumating noong Lunes ng Hanoi, kapital ng Byetnam, si Hu Jintao, pangkalahatang kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista at pangulo ng Tsina, sinimulan niya ang 3-araw na opisiyal na pagdalaw sa Byetnam. Sa kaniyang nakasulat na talumpati sa paliparan, sinabi ni Hu na nananalig siyang ang pagdalaw ay mapapalalim ang pagtitiwalaang pangkaibigan ng dalawang partido at mga mamamayan ng dalawang bansa, at mapapasulong ang kooperasyong may mutuwal na kapakinapangan at komong pag-unlad. Ipinahayag ni Hu na ngayong taon ay ika-55 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Byetnam, umaasa siyang magkasamang mapataas ng dalawang panig ang relasyon ng Tsina at Byetnam sa isang bagong lebel.

Nakipagtagpo sa Hanoi noong Martes si Hu Jintao, dumadalaw na pangkalahatang kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina o CPC at pangulo ng Tsina kay punong ministro Phan Van Khai ng Biyetnam. Ipinahayag ng dalawang panig na nakahanda silang lalo pang mapasulong ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa. Sinabi ni Hu na pagpasok ng bagong siglo, pahigpit na nang pahigpit ang relasyong pulitikal ng dalawang party at bansa ng Tsina at Vit Nam, at nakahanda ang Tsina na walang humpay na magpaunlad, kasama ng Biyetnam, ng bagong larangang pangkooperasyon para mapasulong ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa sa isang bagong lebel. Sinabi naman ni Phan na ikinasisiya ng Biyetnam ang pag-unlad ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan nila ng Tsina at pinasalamatan niya ang pautang at pagkatig na ipinagkaloob ng Tsina. Nakahanda ang Biyetnam na palakasin, kasama ng Tsina, ang kooperasyon sa pamumuhunan, pasulungin ang kalakalang panghanggahan, paunlarin ang kooperasyong panturismo para lalo pang mapahigpit ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa. Kinatagpo rin si Hu Jintao ni tagapangulo Nguyen Van An ng pambansang asemblea ng Biyetnam. Binigyan ng dalawang panig ng mataas na pagtasa ang pagpapalitan at kooperasyon ng kanilang mga organong lehislatibo. Sinabi ni Hu na ang pagpapalitan ng mga oraganong lehislatibo ay isang mahalagang bahagi ng komprehensibong relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng Tsina at Biyetnam. Nagsisilbing din itong mahalagang tulay ng pagkakaunawaan at pagkakaibigan sa pagitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at nagbibigay ng mahalagang ambag sa pagpapasulong ng pagpapalitan ng dalawang partido at dalawang bansa. Ipinahayag naman ni Nguyen Van An na pinahahalagahan ng kanyang asemblea ang pakikipagpalitan sa Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina. Umaasa siyang patuloy na mapapahigpit ang kooperasyong pangkaibigan ng mga organong lehistibo nila ng Tsina. Binigyan-diin niya na nananangan ang kanyang asemblea sa patakarang isang Tsina, at kinakatigan ang pagkakabalangkas ng Tsina ng Anti-secession Law. Nakipagtagpo rin siya kay punong ministro Phan Van Khai ng Biyetnam. Ipinahayag ng dalawang panig na nakahanda silang lalo pang mapasulong ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa. Sinabi ni Hu na pagpasok ng bagong siglo, pahigpit na nang pahigpit ang relasyong pulitikal ng dalawang party at bansa ng Tsina at Vit Nam, at nakahanda ang Tsina na walang humpay na magpaunlad, kasama ng Biyetnam, ng bagong larangang pangkooperasyon para mapasulong ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa sa isang bagong lebel. Sinabi naman ni Phan na ikinasisiya ng Biyetnam ang pag-unlad ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan nila ng Tsina at pinasalamatan niya ang pautang at pagkatig na ipinagkaloob ng Tsina. Nakahanda ang Biyetnam na palakasin, kasama ng Tsina, ang kooperasyon sa pamumuhunan, pasulungin ang kalakalang panghanggahan, paunlarin ang kooperasyong panturismo para lalo pang mapahigpit ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.

Sa kanyang pananatili sa Biyetnam, bumigkas ng talumpati si Hu Jintao, pangkalahatang kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista at Pangulo ng Tsina, sa Pambansang Asembleya ng Biyetnam. Binigyan-diin niyang hindi nagsisilbing banta sa anumang bansa ang pag-ulad ng Tsina, bagkus, nakakabuti ito sa kapayapaan, katatagan at kasaganan ng daigdig. Sa kanyang talumpati, ganap na isinalaysay ng pangulong Tsino ang mga isyu hinggil sa pag-unlad ng Tsina, patakarang diplomatiko, relasyong Sino-Biyetnames, relasyon ng Tsina at mga kapitbansa sa Asya at iba pa. Sinabi din niyang aktibong inienkorahe ng Tsina ang demokratisasyon ng relasyong pandaigdig, pagkaka-iba-iba ng porma ng pag-ulad, multi-polarization ng daigdig at globalisasyon ng kabuhayan para maitatag ang makatarungan at makatuwirang bagong kaayusang pampulitika at pangkabuhayan ng daigdig. Aniya pa, tutol ang Tsina sa aksyon na lutasin ang pagkakaiba sa pamamagitan ng dahas o pagbabanta sa paggamit ng dahas, at gayundin ang anumang porma ng hegemonismo at power politics at ang lahat ng porma ng terorismo.

Pagkatapos ng pagdalaw, ipinahayag ni Wang Jiarui, ministro ng International Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, CPC, na ang pagdalaw sa Biyetnam ni Hu Jintao, pangkalahatang kalihim ng CPC at pangulong Tsino ay nagkaroon ng kapansin-pansing resulta. Naisakatuparan ng pagdalaw nito ang layon ng pagpapabuti ng pagtitiwalaan, pagpapahigpit ng pagkakaibigan at pagpapalawak ng kooperasyon. Kasama ni Hu sa kanyang pagdalaw sa Biyetnam si Wang at ipinahayag niya ito sa kanyang paguwi sa Tsina. Sinabi ni Wang na pinahigpit ng pagdalaw ni Hu ang trandisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Biyetnam, pinalakas ang pagtitiwalaang pulitikal, at pinataas ang komprehensibong relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng Tsina at Biyetnam sa isang bagong lebel .Magkakasunod na nagsipalabas ang mga mass media ng Biyetnam ng mga editoriyal at artikulo na kasama ang mga larawan. Binigyan nila ng mataas na pagtasa ang opisyal at pangkaibigang pagdalaw ni Hu Jintao, pangkalahatang kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at pangulo ng bansa sa Biyetnam. Ipinalalagay nila na tiyak na mapapasulong ng pagdalaw na ito ang relasyon ng Tsina at Biyetnam sa isang bagong antas ng pag-unlad.