Ngayong gabi mayronn tayong long-distance call, text message at isang liham buhat sa masugid na tagapakinig.
Baka magtaka kayo bakit iyong tinig na naririnig ninyo buhat sa Saudi ay nanggagaling ngayon ng Pilipinas. Tama. Nasa Pilipinas si Lucas Baclagon. Nagbabakasyon. Tumawag siya isang araw kaya nagkakumustahan kami...
Hinggil naman sa halalan na ginanap sa Pilipinas noong May 10, sabi niya katulad ng mga nakaraang eleksiyon, may mga naganap ding kaguluhan at nagkaroon din ng problema ang mga botante dahil wala ang pangalan nila sa voters' list. Sa kalahatan ay ayos naman daw at nagsisimula na ang bilangan...
Sabi niya hindi daw dapat mawala ang mga gimmick ko kung Biyernes dahil mabentang-mabenta dalw lalo na sa mga probinsiya sa Pilipinas. Natuklasan daw niya noong magpunta siya sa north--sa Zambales...
Medyo napahaba ang usapan naming baka kausapin tayou sa oras...
At iyan ang ating long-distance phone interview kay Lucas Balagon mula sa Pilipinas.
Mula pa rin sa Pilipinas, narito naman ang mga mensahe ng ating textmates...
Mula sa 919 211 3341, Pinoy Service, No.1 sa SW! Mula sa 920 415 5336, Get Well Soon, Ramon! At mula naman sa 917 915 6645, Ariba CRI!
Oras na naman para sa pagbabasa ng liham ng tagapakinig dito sa Dear Seksyong Filipino. Ang liham na bibigyang-daan natin ngayong gabi ay pagdala ni Vicky Santos ng Quinta Market, Quipo, Manila.
Sabi ng kaniyang liham...
Dear Filipino Service,
Tama ang announcer ninyong si Ramon Jr. Palagi niyang sinasabi na ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibanabalik.
Lahat ng mabuting gawi sa akin ng mga kaibigan at kakilala, ginagawa ko rin sa iba at nagdodoble ang balik. Hindi lang sa akin pati sa iba.
Pasensiya na kayo. Hindi ko na kayo nabati sa simula. Kumusta na pala kayo? Kumusta rin si Ramon, Jr.? Ang kaniyang mapagmahal na tinig ay umaalingawngaw sa aming palengke pagdating ng alas-siyete medya ng gabi. Hindi lang ako ang nakikinig ngayon sa kaniya. Pati mga iba pang kaibigan kong may puwesto sa palengke ditto sa Quiapo. Natutuhan nila ang pakikinig dahil nahawa sa akin. Sabay-sabay kaming nakikinig ngayon tuwing alas-siyente medya ng gabi. Pero ako talagang hindi umaabsent. Regular talaga.
Maganda ang pakikitungo ni Ramon Jr. sa kaniyang mga tagapakinig kaya napapamahal siya sa kanila. Parang nagiging public service na rin ang programa niya.
Minsan binasa niya ang sulat ng isang magulang na naghahanap ng anak sa Beijing. Alam ng magulang na nasa Beijing ang anak pero hindi niya alam kung saan nakatira at kung paano kokontakin sa phone. Si Ramon ang gumawa ng paraan para magkausap ang magulang at anak. Parang pelikuha ni Da King.
Noong nakaraang Abril, malinaw ang inyong signal at napakinggan kong lahat ang inyong mga programa na tulad ng Balita, Usap-usapan, Alam Ba Ninyo, Dear Seksiyong Filipino at Sa Matang Banyaga.
Salamat sa padala ninyong magazines at mga ala-ala. Para sa akin malaking bagay ang mga iyon.
Hindi ako nakakalimot tuwing alas-siyente medya ng gabi.
Gumagalang Vicky Santos Quinta Market Quiapo, Manila
Maraming slamat, Vicky, sa iyong sulat at maraming salamat din sa inyong lahat diyan sa inyong walang sawang pakikinig.
|