Nasi ko munang batiing muli ang winners sa ating guessing game. Congratulations kina Jonathan Liboon ng Antipolo City, Kathy Belleza ng Marulas Bulacan, at Romy Lim ng Old panaderos, Sta. Ana, Manila. Alam ko, by this time, natanggap na ninyo ang ipinadala naming papremyo.
Doon sa mga sumali pero hindi pinalad na manalo, better luck next time. Tatanggap kayo ng souvenir items mula sa amin. Baka sa susunod na linggo meron na naman tayong guessing game. May chance na naman kayong sumali at manalo.
Hindi mo masisisi ang mga turistang dayuhan na mag-isip, sa unang pagtapak nila sa Wenzhou, na ang lunsod na ito ay isang lunsod na komersiyal. Kasi, bukod sa nakikita nilang iba't ibang establisyemento sa halos lahat ng panig ng lunsod, alam nila na ang mga commodity na made in Wenzhou ay kilala hindi lamang sa buong Tsina, kundi maging sa buong mundo. Ang mga komoditing ito ay kinabibilangan ng sapatos, kandado at lighter.
Marahil din, alam ng iba sa kanila na ang mga taga-Wenzhou ay matatlino pagdating sa komersiyo, kalakalan at negosyo.
Pero pangkaraang makapaglibot sa kalakihan ng lunsod at mabisita ang mga tourist attraction na kinabibilangan ng lunsod ng Nanxi River, Yandang Mountain at Jiangxin Island, tiyak na mapagtatanto nila na ang Wenzhou ay hindi lamang lunsod ng Komersiyo kundi lunsod din ng kultura.
Ang Nanxi River ay matatagpuan 23 kilometro mula sa timog ng Wenzhou. Ito ay may lawak na 624 na kilometro kuwadrado, at sabi ng mga nakakausap naming travel writers, mayroon ding humigitkumulang 800 scenic spots sa mga gild ng ilog at kabilang dito ang mga sinuunang village, malawaking bato, mga bundok, matatandang gubat at mga talon.
Nandito sa Wenzhou ang lugar na katatagpuan ng Neolithic cultural relics at sa 200 at higit pang villages sa kahabaan ng gilid ng ilog ay may mga pagoda, tulay, daan, pabilyon, archways at mga pook ng labanan na nagmula pa sa Dinastiyang Tang. Maging iyong mga sinaunang architectural facade ay napangalagaan nang mabuti kaya nananatila pa rin hanggang ngayong at binibigyan ng mataas na pagpapahalaga ng mga bisita.
Sabi ni Sharon, isang kababayan na nakarating na rito, ang piakatampok sa lahat ng mga aktibidad dito sa Nanxi River ay ang pagbabalsa...
Ang Yandang Moutain na nasa hilagang-silangang baybayin ng Wenzhou ay isa sa sampung pinakabantog na bundok sa Tsina. Napili ito ng Konseho ng Estado bilang isa sa unang grupo ng pangunahing matanawing destinasyon sa Tsina at ito, sa pagiging likas na pamanang pandaigdig ng UNESCO.
Ang Yandang Mountain ay itinuturing na kauna-unahang bundok ng Timog-Silangang Tsina. Ang likas nitong kagandahan ay mas lalaong pinatitingkad ng mga lawa, bulrushes at makakapal na damo: at kung tag-lagas, ang mga mandarayuhang gansa ay nagtutungo dito para magpahinga.
Sabi ng mga siyentista, ang bundok na ito daw ay mga 120 milyong taon na ang tanda at itinuturing nilang likas na museo na may malaking kahalagahang historical.
Sa buong taon, ang Yandang ay may mga talon at ang pinakapaborito ng mga bisita ay ang Great Dragon Pong Waterfall na may taas na 190 metro.
Sabi ni Sharon dito daw sa Yandang, marami kang mabibiling local delicacies at souvenir items...
Ang Jiangxin Island ay nasa hilangang dako ng Lunsod ng Wenzhou at may kabuuang lawak na 70,000 kilometro kuwadrado ng lupa. Ang islang ito ay kilala sa buong kasysayan at ang mga panahon ng mga Dinastiyang Tang at Song, ayon sa pakakasunod.
Iyong Jiangxin Temple na ang lapag ay may kabuuang sukat na 3,000 kilometro kuwadrado ay nagmula din sa Dinastiyang Tang.
Sampu lahat-lahat ang scenic spots dito sa islantg ito at lahat ng mga ito ay pawing kinagigilawan na sapul pa noong sinaunang panahon.
Pinapayuhan ni Sharon ang mga turista na magpunta dito sa Wenzhou for the first time na tikman muna nila ang masasarap na tradisyonal na Wenzhou snacks.
Dahil sa malakas na private economy ng Wenzhou, maraming turista ang nagaganyak na bumista sa mga kompaniyang lokal ng lunsod. Marami ring travel agencies ang nagsasaayos ng economy exploration tours sa Wenzhou at nagbibigay ng lectures hinggil sa istilo ng kabuhayan ng Wenzhou.
|