Si Fu Yunlan, isang matandang babaeng na nakatira ngayon sa lunsod ng Baotou sa Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia sa hilagang Tsina ay isang retiradong guro. Ang kauuang kita isang buwan nila ng asawa ay kulang pa sa 2500 yuan RMB. Ang kanyang ina, anak nabunso at pamilya nito ay nakapisan sa kanilang mag-asawa. Ang kanyang anak at manugang ay parehong walang trabaho. Ang pamiliyang tulad nito ay isang tipikal na tahanang mababa ang kita sa Tsina. ngunit nang kapanayamin sila ng aming reporter sa kanilang bahay, ang nakita niya ay malayung-malayo sa kanyang inaasahan. Maluwang at maliwanag ang kanilang 92 metro kuwadradong tahanan. Nasisiyahan si Ginang Fu sa kasalukuyang kalagayan niya sa buhay. Sinabi niya,
"Pareho kaming titser ng asawa ko. Pareho ring mababa ang suweldo. Sino ba ang mag-aakala na mapapatira kami sa ganitong bahay. Tingnan mo, puwede pang magsayawan dito."
Noong araw, parang sardinas ang pamilya ni Gng. Fu sa isang flat na yari sa putik na wala pang 70 metro kuwadrado ang laki. 40 taon silang tumira sa bahay na ito. Talagang hirap sila noon lalo na kung umuulan. Dahil mas mataas ang lebel ng kalye kaysa kanilang bahay, ang tubig ng ulan ay pumapasok sa kanilang bahay. Sabi pa niya, marupok ang bahay at maraming tulo. Sa kasong ito, nakalublob sila sa putik. Hindi sila makatiis. Salamat sa pagsasagawa ng pamahalaan ng patakaran ng pagtatayo ng mga murang pabahay at sistema ng pagkakaloob ng "loan", ang mga mahihirap na pamiliyang tulad nila ay nagkakaroon ng pagkakataong tumira sa magandang bahay.
Sinabi sa aming reporter ni Mr. Liu Zhifeng, pangalawang ministro ng konstruksyon ng Tsina,
"Lubos na pinahahalagahan ng pamahalaan ng Tsina ang isyu ng pabahay ng "low income families" sa lunsod at bayan. Nagsasagawa ang pamahalaan ng patakaran ng pagtatayo ng murang pabahay at sistema ng pagkakaloob ng "loan" at maraming mamamayang mababa ang kita ang nakikinabang sa patakaran at sistemang ito. Isinasagawa din ng pamahalaan ang sistema ng paggarantiya ng pabahay sa mga lunsod at bayan upang maigarantiya ang karapatan ng mga mamamayang mababa ang kita na makatira sa mga de-kalidad na bahay."
Nitong nakalipas na mahigit sampung taon, tuluy-tuloy na nagsagawa ang pamahalaan ng Tsina ng mga hakbangin para mapabuti ang kondisyon ng pabahay ng mga mamamayang mababa ang kita. Kabilang dito, bigyan sila ng preferential treatment sa pagbabayad nila ng buwis, himukin silang mag-impok para sa pagtatayo ng bahay, pabilisin ang takbo ng pagbabago ng mga lumang bahay at iba pa. Nagsasagawa pa ang pamahalaan ng Tsina ng patakaran ng pagbibigay ng subsidy sa mga mahihirap na pamilya para sa kanilang renta sa bahay.
Ayon sa estadistika, ang saklaw ng murang pabaya na nakompleto ng Tsina bawat taon ay lumampas na sa 100 milyong metro kuwardro, mga kalahati ng kabuuang lawak na nakompletong commercial housing. Karaniwang malaki ang sakop ng mga murang pabahay at completely furnished ang mga ito at may mainam na kapaligiran, kaya unibersal na tinatanggap ito ng mga mahihirap na pamilya at sa gayo'y nalutas ang isyu ng pabahay ng karamihan ng low-income family.
Idinaos kamakailan sa Tsina ang pandaigdig na pulong hinggil sa pagpapaunlad ng pabahay para sa mga may katamtama't mababang kita. Nang kapanayamin ng aming reporter si Uwe Lohse ng UN Human Settlements Programme, nagbigay siya ng mataas na pagpapahalaga sa ginagawang pagsisikap ng pamahalaan ng Tsina para sa paglutas sa isyu ng pabahay para sa low-income families.
Nakamit man ng Tsina ang malaking pag-unlad sa paglutas sa isyu ng pabahay, malaki pa rin ang agwat nito kumpara sa mga maunlad na bansa. Patuloy na magsisikap ang Tsina sa hinaharap para mapabilis ang takbo ng paglutas sa isyu ng pabahay ng mga mamamayang Tsino.
|