Litaw na litaw sa ibabaw ng 80-metrong taas na pader sa harapan ng Chen Clan Academy ang anim na malalaking "brick carvings". Pinag-uugnay nang husto ng mga inukit na maliliit na ladrilyo, ang mga lilok ay naglalarawan ng mga bulaklak, phoenix at balangkas ng kuwentong bayan. Sadyang napakahusay ng pagkakagawa kung kaya't iyong mga manipis na bahagi ng lilok ay nagiging itim, puti at abo habang nagbabago ang tama ng sikat ng araw sa buong maghapon. Ang iba pang "brick carvings" ay matatagpuan sa ibabaw ng mga pader, pinto, bintana at sa ilalim ng mga medya-agwa.
Yari sa kahoy ang karamihan sa mga carving ng akademya. Apat na malaking partition screens ng double-sided carvings ang nakatindig sa bulwagan ng gusali sa harapan, na ang magkabilang gilid ay naglalarawan ng mga kuwento. Tanaw sa mga partisyon ang maaliwalas na luntiang hardin sa harap.
Marami ring gayong partisyon sa mga bulwagan at silid ng akademya.
Ang napakalaking lime sculpture sa Akademya ng Angkang Chen ay kilalang kilala rin at naglalarawan ng mahalagang kahusayan sa paggawa ng mga bagay o skill na matatagpuan sa lalawigan.
Ang mga lime sculpture sa ibabaw ng mga atip at mga dingding ay resulta ng natural na likhang sining. Ang mga burol at tubig na inilalarawan ay sumusunod sa porma ng gusali, samantalang nakaalsa naman sa mga pader ang mga hayop at bulaklak.
Makikita sa lahat ng dako ang kulay pula at luntian. Sa ibabaw ng isang pader ay may anim na pares ng unicorn, na pawang nakapula, may malalaking bilugang mata at handang sumunggab.
Dahil sa ang paniki sa katagang Tsino ay kasintunog ng kataga para sa suwerte, ang mga paniki sa lime carvings ay karaniwang karaniwan din.
Kabilang sa mga pinakamagandang likha ay ang ceramis sculpture sa ibabaw ng gitnang hanay ng Talents Gathering Hall. Ito'y may 27 metrong haba at 3 metrong taas, na naglalarawan ng mga makasaysayang istorya at kuwentong bayan at may mga tore, pabilyon, bulaklak, prutas, ibon at hayop.
Ang mga pigura ng tao ay may matitingkad na kulay at simpleng hugis.
Ang mga stone carving ay matatagpuan sa mga doorpost, corridor poles, wall skirts, pillar bases at sa mga hagdanan at barandilya.
Karaniwang ginagamit ang stone carvings sa mga folk sculpture ng Guangdong at tinitipon din ng akademya ang pinakamahuhusay sa mga ito.
Ang naturang mga carving ay karaniwang naglalarawan sa mga bulaklak, prutas at ibon. Ipinakikita ng estilo ng mga pillar stone bases ang katangi-tanging stone decorations ng Guangdong. Karanihan sa mga stone bases o tuntungan sa sinaunang Tsina ay sadyang ginagawa lamang na matibay pero ipinakikita ng Chen Clan Academy na sapul pa noong Qing Dynasty (1644-1911), ang trend ay tungo sa pagiging pandekorasyon, pagiging magaan at pagiging pillar bases ng mga ito. Ayon sa paliwanag ng isang tour guide, kaiba ang bases na ito sa hugis bilog na pillar bases sa hilagang Tsina, sapagkat dito, ang hugis ay oktagonal.
Hangang-hanga ang mga bisita sa mga decorative art sa lahat ng mga bulwagan ng akademya.
|