Alam ninyo, itong kaibigan nating si Elvira Chen ay isang travel agent at tour guide by profession. Iyong mga putaheng itinuturo niya sa atin sa programang Cooking Show, sa totoo lang, ay natutuhan niya sa pagpunta-punta niya sa iba't ibang lugar ng Tsina.
Noong nakaraaang Biyernes pagkaraang magawa naming ang Cooking Show ko, niyaya niya ako sa paborito niyang jazz house sa Worker's Stadium, dito rin sa Beijing. At habang umiinom siya ng gusting-gusto niyang gin-tomic at ako naman ay nagka-cappucino, napag-usapan naming ang tungkol sa mga itinerary ng kanilang group tour at mga lugar sa Tsina na malakas makaakit ng mga turista.
Sabi niya hindi na daw niya mabilang kung ilang ulit na siyang nakapunta sa Turpan at Kashi ng Urumqi na matatagpuan sa Xinjiang Uygur Autonomous Region. Malakas daw ang appeal ng mga ito sa mga turistang dayuhan at napupuna niya na talagang tuwang-tuwa at nasisiyahan ang mga bisita kapag nakakapunta sa mga lugar na ito.
Ang Turpan Depression, o simple Turpan, ay matatagpuan sa Urumqi, Xinjiang. Ito ay isa sa iilan lamang na lugar sa mundo na mas mababa sa lebel ng dagat.
Ang depression na ito ay isang mahaba at makitid na lawak ng lupa na may kabuuang saklaw na 50,000 kilometro kuwadrado.
Ang Turpan ay hindi lamang espesyal dahil sa mabaab nitong altitude, kundi dahil din sa kakaiba nitong klima. Kung summer, ang temperatura ay umabot hanggang 47 dgree centigrade samantalang sa ibabaw ng sand dunes maari itong umabot sa 82 dgree centigrade. Hindi kalabisang sabihin na makakapag-back ka ng cake sa mainit na buhangin. Ang karaniwang taunang patak ng ulan ay lampas lamang ng kaunti sa 10 milimetro. Kung minsa wala ni isang patak ng ulan sa loob ng buong taon pero sabi ng mga tao hindi mahirap pagtisan ang init sa maghapon kung alam mong malamig naman sa gabi.
Sabi ni Elvira Chen, maraming tourist attractions dito sa Turpan pero ang kapuna-punang kinagigiliwan ng mga bisistang dayuhan ay ang Flame Mountain, Thousand-Buddha Cave at Ancient City of Gaochang. Sabi pa niya, para sa kaniya, ang pamilihang pampubliko ang, pinakamagandang lugar para makahalubilo ang mga residente sa lokalidad at makakakita ka ng iba't ibang masasarap at pambihirang spices sa Turpan Market...
Sa kanlurang hanggahan ng Taklimakan Desert sa timog-kanlurang bahagi ng Xinjiang, ay may napakagandang oasis at sa gitna ng oasis na ito matatagpuan ang matanda at sinaunang kaakit-akit na Lunsod ng Kashi.
Ang Kashi ay dating huling hintuan sa Chinese boundary ng silk Road na patungo sa rehiyong kanluranin at may 2.100 taong kasaysayan.
Ang Kashi ay nakikilala sa nangingibabaw na pambansang kaugalian ng mga mamamayang Uygur na kilala sa pigging labis magiliw sa mga panauhin, mahusay sa pagkanta at pagsayaw at sa kababaihang ang karamihan ay nakabelo pa rin hanggang ngayon.
Pinapayuhan ni Elvie ang mga turista na nagbabalak na bumisita sa Kashi na maglaan ng isang lingo sa lunsod na ito para mabisita rin nila ang mga kanugnog na nayon at malasap ang walang katulad na magiliw na pag-estima ng mga taganayon sa kanilang mga bisita...
Bilang karagdagan, sinabi ni Elvie na iba talaga makitungo ang mga taganayon dito sa Kashi sa kanilang mga panauhin. Inaanyayahan nila ang kanilang mga panauhin na uminom ng Tsaa habang nakaupo sa kanilang kama. Ang lugar na residensiyal sa paligid ng moske ng bayan ay parang pasikut-sikot na daan na maganda naming tingnan datapuwa't masalimuot. Ang mga bahay ay pawing malilinis at kaibig-ibig at may mga counetyard at hardin. Ang mga bata raw ay tuwang-tuawang makakita ng mga dayuhan.
Sa tingin ni Elvie, dapat na mapauntahan ng mga bisita ang Sunday Maeket sa Kashi kahit minsan lang. Kung darating ka aniya dito nang maaga pa, iyong madilim pa, makikita mo ang unti-unting pagpasok sa palengke ng mga kabayo, asmo at tupa kasunod ng mga magsasaka at pastol na nagtitinda ng mga kariton, muwebles at prutas. Iyon daw pahaba nang pahabang prusisyon ng mga tao at kalakal at palakas nang palakas na ingay habang sumisikat ang araw ay pupukaw ng kung anong damdamin sa inyo. Ito aniya ay personal niyang karanasan.
Sabi pa niya, ang isang magandang karanasan ay kung magkakampinig ka sa tabi ng lawa isang gabi at medyo aambon. Iyong patak daw ng tubig sa gitna ng katahimikan ng gabi ay parang himig ng magandang musika at tuluyan kang maglalaho sa kagandahan ng kalikasan.
|