• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-11-24 21:15:21    
Bakit nangunguna ang daga sa 12 earthly branches ng Tsina

CRI
Tulad ng alam na ninyo, ang 12 hayop na ito, ayon sa pagkakasunud-sunod, ay daga, ox, kuneho, dragon, ahas, kabayo, kambing, matsing, tandang, aso at baboy. Bakit ang hindi kasiyang-siyang daga ang naging pang-una sa labing dalawang hayop. Ipinaliwanag ito ng pambagong taong istoryang Visit-to-the-God na inihatid ko sa inyo.

Ipinaliwanag ng pambagong-taong istoryang Visit-to-the-God kung paanong ang hindi kasiya-siyang daga ang naging pang-una sa labing dalawang hayop. Anang kuwento, nang marinig ng ox ang kautusan ng diyos-diyosan, sinabi niya sa kanyang sarili, "Napakahabang paglalakbay para makita ang diyos-diyosang ito. Hindi ako isang mabilis na manlalakbay, kaya mas mabuti na umalis ako nang maaga." Samakatwid, umalis siya sa bisperas ng Lunar New Year. Narinig ng daga ang sinabi niya at palihim itong lumukso sa kanyang likod. Ang ox naman, na tagaktak ang pawis, ay tuwang dahil siya ang unang nakarating sa lugar ng diyus-diyosan. Pero noong sandaling babatiin niya ng Happy New Year ang diyos-diyosan, tumalon ang daga sa itaas ng ulo niya at siya ang naging unang hayop na nagkowtow sa diyos-diyosan. Kaya, nahirang ang daga na unang Hari ng mga Hayop at samakatwid, kauna-unahan sa 12 hayop na kumakatawan sa mga taon.

Anang isang mas autentikong paliwanag, nahahati ang Earthly Branches sa dalawang kategoriya: Yin at Yang. Ang bawa't isa ay ipinaparis sa isang hayop na may katulad na kasarian.

Pinagpapasiyahan ang kasarian ng isang hayop nang alinsunod sa bilang ng isang ispesipikong bahagi ng katawan nito. Ang mga odd number ay Yang, at ang mga even number naman ay Yin. Ang tigre, dragon, matsing at aso, silang lahat ay may limang daliri sa bawa't paa, at ang kabayo naman ay may isang kuko o "hoof". Kaya alam nating Yang animals ang mga ito. Ang kategorya ng Yin naman ay kinabibilangan ng klase ng hayop na may dalawang kuko o clovenhoofed na tulad ng ox, kambing at baboy sa Yin sapagkat may apat na daliri ito sa bawa't paa. May dalawang labi sa itaas ang kuneho at ang ahas naman ay may dila na ang dulo ay parang dalawang tenedor. Kaya Yin animals din sila. Ang problema ay ang daga. Mayroon itong apat na daliri sa bawa't paa sa unahan at lima sa bawa't paa sa hulihan. Mayroon itong katangian ng kapwa Yin at Yang, at parang walang puwesto para rito.

Sa kabutihang palad, ang kauna-unahan sa Earthly Branches, ang Zi, ay maaring maituring na kapwa Yin at Yang. Ginagamit din ang naturang Branches sa pagtatakda ng mga araw at oras, at kapag nagsisimbolo ng mga oras,sumasakop ang Zi, sa isang panahon mula alas onse ng gabi hanggang ala una ng umaga. Ang PM ay Yin at ang AM naman ay Yang. Kaya nababagay ang daga sa unang branch na ito. Masasabing ang katangiang ito na dalawang kasarian at split personality ang dahilan kung bakit naging puno ng ibang mga hayop ang maliit na daga.

Ngayon baka itanong mo kung bakit walang taon ng pusa, lalo pa't libu-libong taon nang popular ang mga pusa bilang pets sa Tsina at maraming ibang bansa.

Ayon sa alamat, hindi napili ang pusa sa dahilang nahuli siya nang isang araw sa pagdating ng lugar ng diyus-diyosan. Nadaya ang pusa ng daga. Ipinaalam ng huli sa una ang isang maling petsa para sa kompetisyon. Siyempre, hindi ito ikinasiya ng pusa at mula noon, kinapootan na niya ang daga at naging magkaaway silang dalaw.