Nanning International Folk Song Arts Festival ay isang aktibidad na idinaraos sa Nanning sa panahon ng CAEXPO o China-ASEAN Expo at naglalayong pasulungin ang pagpapalitang pangkultura ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Ang Lunsod ng Nanning ay tinaguriang "karagatan ng awitin" sa Tsina at ang mga mamamayan ng iba't ibang nasyonalidad doon ay nahihilig sa pag-awit ng folk song. Para maipagpatuloy ang kaugaliang ito, mula noong 1999, sinimulang idaos bawat taon ng Nanning ang International Folk Song Arts Festival. Lumahok sa arts festival ang mga artista ng katutubong awitin ng iba't ibang bansa at sa pamamagitan ng festival, napapasulong hindi lamang ang pagpapalitang pangkultura ng iba't ibang bansa, kundi rin ang pagkakaunawa at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa.
Dahil sa malapit na kaugalian at kultura ng Guangxi at mga bansang ASEAN, mula taong 2002, ang pagtatanghal na may temang "kaugalian ng Timog-Silangang Asya" ay naging isang pangunahing bahagi ng mga aktibidad ng arts festival.
Noong Oktubre ng nagdaang taon, ang kauna-unahang China-ASEAN Expo at kauna-unahang China-ASEAN Business and Investment Summit ay binuksan sabay-sabay nang ika-6 na Nanning International Folk Song Arts Festival. Sa naturang arts festival, idinaos din ang tatlong malalaking art shows hinggil sa ASEAN na kinabibilangan ng "Fashion of South-East Asia, a gathering in Nanning 2004", "Fashion Show ng Timog-Silangang Asya sa 2004" at "Maringal na Gabi ng CAEXPO". Ang mga pagtanghal ng mga kilalang mangaawit, fashion model at dance group ng Tsina at sampung bansang ASEAN ay winelkam ng mga kalahok na negosyante sa ekspo.
Sa kasalukuyan, kasunod ng Beijing Music Festival at Shanghai Music Festival, ang Nanning International Folk Song Arts Festival ay naging isa ring pinakabantog na music festival ng Tsina. Sa taong ito, sabay-sabay ding idaraos ang ika-2 China-ASEAN Expo at ika-7 Nanning International Folk Song Arts Festival. Kaugnay ng katangian ng kasalukuyang arts festival, sinabi ni Miss Liu Liling, namamahalang tauhan sa arts festival, na
"Ang kasalukuyang Folk Song Arts Festival ay magiging pa ring katutubo, internasyonal, modernisado at artistiko. Sa arts festival na ito, itatanghal ang mga katutubong awitin ng loob at labas ng Tsina sa apat na episodes na kinabibilangan ng tagsibol, tag-init, taglagas at tag-lamig at gagamitin namin ang multimedia stage technology para maipakita ang apat na panahong ito. Halimbawa, sa episode ng tagsibol, lilitaw ang tanawin ng tagsibol sa entablado at kakantahin ang mga katutubong awitin hinggil sa tagsibol. Sa episode ng tag-lamig naman, uulan ang 'niyebe' sa entablado at kakantahin ang mga katutubong awitin hinggil sa tag-lamig."
Napag-alamang sa kasalukuyan arts festival, may opening show ng mga awitin na pinamagatang "Flying Songs on Earth" at ending show ng mga sayaw na pinamagatang "Fashion of South-East Asia". Ang mga direktor sa dalawang show na ito ay dalawang pinakakilalang direktor sa arts show ng Tsina na sina Lang Kun at Chen Weiya.
Ayon kay Miss Liu, magiging lubos na kahanga-hanga ang kasalukuyang arts festival at umaasa siyang makapagdudulot ito ng isang di-nakalimutan karanasan sa mga kalahok na negosyante sa ika-2 CAEXPO, lalung-lalo na, sa mga negosyante mula sa mga bansang ASEAN.
|