• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-11-25 21:25:24    
Mga kaugalian sa Kapistahan ng Duanwu

CRI
Sa sinaunang Tsina, naniwala ang mga tao na kapus-palad ang araw ng Duanwu sapagkat nalalapit na ang midsummer. Noon naman kasi ang mainit na panahon ay nagdadala ng kung anu-anong sakit na mabilis na kumakalat. Kaya, ang pagtataboy sa sakit at pagpapalayo sa diyablo ay ang pangunahing layunin ng pistang ito.

Sa dahilang natatapat ang Duanwu Festival sa mainit na panahon na nakakapagdala ng kung anu-anong sakit na mabilis na kumakalat, sa sinaunang Tsina, tuwing araw na ito, idinidikit ng mga tao sa kani-kanilang tarangkahan ang larawan ng Zhongkui, isang maalamat na "Ghost Buster". Gumagamit pa sila ng mga dahon ng cattail at mugwort para bugawin ang mga lamok at ibang mga insekto.

At dahil din sa ang mga bata ang pinakamasasaktin, lagi na, sila ay binibigyan ng ekstrang pag-aalaala tuwing panahong ito. Ang mga bata ay pinagsusuoy ng kuwintas o bracelet na yari sa mga pula, dilaw, asul, puti at itim na sinulid, para malayo sa diyablo. Pinagdadala rin sila ng makulay na maliliit na supot na may lamang mabangong ugat na medicinal. Ang mga supot na ito ay isinusuot ng mga bata sa leeg at nagkokontes pa sila sa isa't isa para malaman kung kaninong supot ang may pinakamagandang tahi sa kamay. Segurado ring pinaliliguan ng mga nanay ang kani-kanilang anak sa soslusyon ng ugat na medicinal. Pinatunayan na ng modernong siyensya na ang mga medisinang ito ay talagang mahusay sa kalusugan.

Naniwala ang mga Tsino noong araw na ang realgar ay isang gamot na pangontra sa lahat ng mga lason, kaya pinakaepektibo ito sa pagpapalayo ng mga masamang espiritu at pagpatay ng mga insekto. Kaya umiinom ang lahat ng tao ng realgar wine sa panahon ng Duanwu Festival, at sa noo ang mga bata naman ay isinusulat pa sa realgar wine ang Chinese character na "wang" na nangangahulugan ng hari.

Nitong libu-libong taong nakalipas, ang tradisyon ng Duanwu Festival ay naisalin mula sa isang henerasyon hanggang sa mga susunod pa. Pero, saan ito talaga nanggaling at bakit kumakain ang mga tao ng Zongzi at nagkakarerahan ng dragon boat? Napag-aralan na ng maraming iskolar ang mga tanong na ito at nakapagharap na sila ng kani-kanilang akademikong paliwanag.

Ayon sa isang eksplanasyon, ang pinagmulan ng Duanwu Festival ay ang pagsamba ng mga tao sa dragon. Sa sinaunang Tsina, naniniwala ang mga tao na ang dragon ay diyos na namamahala sa tubig na napakaimportante para sa pang-araw-araw na pamumuhay at sa produksyong agrikultural. Sa araw ng Duanwu, nagkakarerahan ang mga tao upang libangin ang diyos na ito, at naghahandog pa sila ng Zongzi rito. Ang tanging layunin ng lahat ng mga aktibidad na ito ay bigyang-lugod ang diyos para makatiyak ng paborableng panahon.

Naniniwala ang ibang tao na nanggaling ang Duanwu sa mga aktibidad na inudyok ng mga mangkukulam noong unang araw. Idinaraos ang mga aktibidad na ito sa pagpasok ng tag-init kung kailan aktong magdadala ang mainit na panahon ng mga sakit sa mga taong noo'y walang anumang modernong kagamitan at medisina para ipagsanggalan ang sarili nila. Samakatwid, hinihimuk ng mga sinaunang mangkukulam ang mga tao na mag-suot ng mabangong supot at magkabit ng mugwort at calamus sa pinto ng kani-kanilang bahay upang itaboy ang mga umano'y masamang espiritu na maylikha daw ng iba't ibang sakit.