Sinabi noong Lunes sa Shanghai ni Joseph Durano, kalihim ng turismo ng Pilipinas, na hanggang sa katapusan ng taong ito, ang Tsina ay magsisilbing ika-4 na bansang pinanggagalingan ng mga turista sa Pilipinas na sumusunod lamang sa Estados Unidos, Timog Korea at Hapon. Sinabi niyang noong unang tatlong kuwarter ng kasalukuyang taon, ang bilang ng mga turistang Tsino sa Pilipinas ay lumaki nang 147% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon at ayon sa pagtaya, ang ganitong bilang ay aabot sa 100 libo sa buong taon.
Mula noong Miyerkules hanggang Huwebes, idinaos sa Maynila ang ika-2 Asian Forum on Peaceful Reunification of China na itinaguyod ng samahan ng Pilipinas para sa pagpapasulong sa mapayapang reunipikasyon ng Tsina. Sa panahon ng naturang 2 araw na porum, tinalakay ng mga dalubhasa, iskolar at mga kinatawan ng mga samahan ng mga etnikong Tsino mula sa mga bansa at rehiyon na gaya ng Pilipinas, Hapon, Australya, Rusya, at mainland, Hongkong, Macau, Taiwan ng Tsina ang paksa hinggil sa pagtutol sa pagsasarili ng Taiwan at pagpapasulong ng proseso ng kapayapaan at reunipikasyon ng Tsina. Ipinalabas din sa porum ang magkasanib na deklarasyong pinamagatang "pagbuklurin ang lahat ng puwersa laban sa pagsasarili, pasulungin ang kapayapaan at reunipikasyon ng Tsina". Sinabi ng naturang deklarasyon na datapuwa't hindi pa naisasakatuparan ang reunipikasyon ng magkabilang pampang, hindi naman kailanma'n nagbabago ang katotohanan na ang mainland at Taiwan ay pawang nabibilang sa isang Tsina. Dapat magmalaki ang mga kababayan ng magkabilang pampang bilang miyembro ng nasyong Tsino. May panagutan sila sa pangangalaga sa pambansang pagkakaisa, pagtatanggol ng interes at dignitad ng nasyon at buong tinding pagtutol sa mga aksyon ng puwersang naninindigan ng pagsasarili ng Taiwan na naglalayong ihiwalay ang Taiwan sa teritoryo at soberanya ng bansa. Sa kaniyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Wang Zaixi, pangalawang puno ng tanggapan ng konseho ng estado sa mga suliranin ng Taiwan, na dahil sa walang humpay na pagsisikap ng mga mamamayan ng dalawang pampang at mga overseas Chinese, walang tigil na dumaragdag ang mga positibong elemento sa relasyon ng dalawang pampang na nakakabuti sa pagsusugpo sa pagsasarili ng Taiwan. Inunit din niyang buong tatag na igigiit ng Tsina ang prinsipyong isang Tsina, at matinding tututulan ang anumang aktibidad ng puwersang naninindigan ng "Pagsasarili ng Taiwan". Sa kanya namang paglahok sa porum, sinabi ni ispiker Jose De Venecia ng mababang kapulungan ng Pilipinas na tulad ng higit na nakararaming bansa ng daigdig, tumatalima ang kanyang bansa sa patakarang isang Tsina at sa kasalukuyan, pinag-uukulan ng Pilipinas ng pansin, pangunahin na, ang hinggil sa kung papaanong maisasakatuparan ang reunipikasyon ng Tsina. Sinabi ni De Venecia na nitong 25 taong nakalipas, ang kasaganaan ng Taiwan ay depende, sa malaking degree, sa Chinese mainland at nagpapakita itong batay sa pangangailangan at kapakanan ng isa't isa ng dalawang panig, may posibilidad na natural na maganap ang reunipikasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits. Ipinalalagay din niya na sa katotohanan, sumulong na ang mapayapang reunipikasyon ng magkabilang pampang.
Nakipagtagpo noong Lunes sa Beijing si premyer Wen Jiabao ng Tsina kay dumadalaw na pangalawang punong ministrong Surakiat Sathirathai ng Thailand. Nang araw ring iyon, nakipagtagpo rin kay Surakiat si Tang Jiaxuan, kasangguni ng konseho ng estado ng Tsina. Sa pagtatagpo, sinabi ni Tang na nakahanda ang kanyang bansa na palakasin ang pakikipagtulungan sa Thailand at iba pang mga bansang ASEAN at kinakatigan nito ang ASEAN sa pagpapatingkad ng pangunahing papel sa preoseso ng kooperasyong panrehiyon. Sinabi naman ni Surakiart na pinapupurihan ng kanyang bansa ang aktibong papel ng Tsina sa kooperasyong panrehiyon, at patuloy na magsisikap ang Thailand para mapasulong ang estratehikong pakikipagkooperasyon sa Tsina sa iba't ibang larangan.
Inaprobahan noong araw ng Linggo ni pangulong Gloria Magapagal Arroyo ng Pilipinas ang 2.5 bilyon Peso budget para pahigpitin ang mekanismo ng bansa sa pakikibaka laban sa bird flu. Ipinahayag ng ministri ng agrikultura ng Pilipinas na ang nasabing mga pondo ay gagamitin para sa pagpapabuti at pagpapadami ng kasangkapan ng mga laboratoryo upang pahigpitin ang pagkontrol sa 40 purok na nasa linya ng paglilipat ng mga migrant birds. Sa kasalukuyan, ang Pilipinas, Singapore at Brunei lamang sa Timog-silangang Asia ay hindi pa naganap ang bird flu.
Noong araw ng Linggo naman, bumisita ang pamilya ni pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas sa Hong Kong Disneyland. Mga kasama ni pangulong Arroyo ay kanyang asawa, tatlong anak at dalawang apong babae. Narito ang mga kuhang larawan sa panahon ng naturang pagbisita.
|