Bilang tugon sa kahilingan ng mga kababayan sa Saudi Arabia, itatampok ko ang isa sa very intresting na ethinic groups ng Tsina--Ang Tajik Nationality.
Sana nakikinig ang tropa ni Lucas Baclagon at pati na tin iyong tropa ni Buddy Boy Basilio. Heto na ang promise ko sa inyo mga pare ko...
Para doon sa mga hindi nakababatid, ang populasyon ng Tsina ay binubuo ng 56 na ethnic groups at ang pinakamalaki rito ay ang Han Nationality na bumubuo ng 93.3% ng buong populasyon. Ang iba pang 55 ethnic groups na tinatawag na minority nationalities ay bumubuo lamang ng 6.7% ng populasyon. Ang Tajik ay isa sa 55 minority nationalities ng Tsina.
Ang mga Tajik ay naninirahan nang nakabukod sa isang tagong purok sa Pamir Mountain range ng kanlurang Tsina, malapit sa mga hanggahan ng Afghanistan, Pakistan at Rusya. Ang kanilang purok ay napapaligiran sa apat na dako ng Bulubundukin ng Pamir at may nakahangga naming disyerto sa ikaapat. Itong Pamir, by the way, ay kilala bilang ituktok ng mundo o roof of the world.
Ang pinakamalaking konsentrasyon ng mga Tajik ay naninirahan sa gilid ng isang maliit na bayan na 10,000 talampakan ang taas sa lebel ng dagat. Itong bayan na ito ay malipit sa Silk Road na sinaunang trade route sa pagitan ng Tsina at Gitnang Asya.
Ang 35,000 Tajiks sa kanlurang Tsina ay may relasyon sa dugo sa mahigit 2 milyong Tajiks sa Tajikstan. Gayunman, dahil sa kanilang pagkakabukod, napaiba ang kanilang kultura at wika sa kanilang kalahi sa kabila ng hanggahan.
Siyang pala, sa katutubong wika, ang salitang Tajik ay nangangahulugan ng korona.
Sa loob ng maraming siglo, ini-ayon ng mga Tajik ang kanilang pananamit sa kondisyon ng kapaligiran ng highland. Ang mga lalaki ay nakasuot ng walang kuwelyong jacket na may sinturon at kung malamig ang panahon, ito ay pinapatungan ng sheepskin overcoats. Nagsusuot din sila ng mataas na sumbrero na gawa sa balat ng tupa, may burda at naguguhitan ng itim na velvet. Amy earflops din ang sumbrerong ito bilang panlaban sa hangin at niyebe. Ang mga babae naman ay nakabistido. Iyong mga babaeng may asawa ay nagsusuot ng back aprons at iyong sumbrero nilang may cotton padding ay may back flaps. Kadalasan, tinatalian ng mga babae ay kapuwa nagsusuot ng felt stockings, mahahaba at malalambot na sheepskin boots na ang suwelas ay gawa sa balat ng yak. Ang ganitong uri ng boots ay magaan at matibay kaya tamang-tma para sa paglalakad sa mga daan sa kabundukan.
Sabi ng isang kababayan na nasa tourism business, si Irish, ang ibong lawin daw ang tumatayong simbolo ng mga Tajik. Sabi niya ang lawain ay sagisag ng katapangan, katarungan, katapatan at kadalisayan...
Bilang karagdagan dito, sinabi ni Irish na para sa mga Tajik, ang asin ay sagisag ng pagiging wagas at ng pamamahal ay madalas aniya itong ginagamit sa pagpapahayag ng pag-ibig.
Pagdating naman sa etiquette, sabi ni Irish unique na unique daw ang etiquette ng mga Tajik. Unique na papaano? Tanong ko.
Sa panahon ngayon, hindi na marami ang mga taong nagtitiwala nang lubos sa kanilang kapuwa at kung mayroon kang bagay na maiiwan sa isang lugar, pagbinalikan mo, wala na. Pero hindi sa mga Tajik. Sabi ni Irish ang mga Tajik ay hindi nagtatrangka ng pinto sa harap ng bahay at kung may makikita silang bagay sa daan, hindi man lang nila ito hinahawakan.
|