• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-12-01 14:13:06    
Liham ni Felix Pecache

CRI
Sa Inyong Lahat mga Kapatid,

Sana pagpalain kayo ng Panginoon sa pagdiriwang ninyo ng iyong Pasko. Katawagan lang namin iyan dito. Ang tinutukoy ko ay ang inyong Bagong Taon sa kalendaryong lunar. Nakikita naman ang mga biyayang tinatamasa ninyo lalo na sa larangan ng kabuhayan. Wala na sigurong bibilis pa sa bilis ng pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina. Maski ang mga bansang kanluranin na inaasahan natin na mangunguna sa kaunlaran ay hindi nakalapit sa growth rate ng Tsina. Ito nga ang madalas na paksa ngayon sa mga talakayan at debatehan sa Luneta at sa Plaza Miranda. Lagi nang nagkakaroon ng diskusyon hinggil sa Tsina. Kasi nga naman napakalaki ng populasyon pero nagagawa ng gobyerno na ipagkaloob ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan. Matatalino ang mga taga-ugit ng inyo pamahalaan.

Maiba ako, ito bang tinatawag nilang terra cotta ay tunay na mga sundalo o gawa lamang ng mga emperador noong unang panahon? Pasensiya na kayo kung ako man ay naging mausisa. Alam ninyo naman na kailangang kargado akong lagi kasi madalas akong masalang sa debatehan.

Salamat sa munting ala-ala na ipinagkaloob ninyo kaugnay ng inyong paligsahan. Mula, sinabi ko lang na munting ala-ala pero ito ay mahalaga sa akin dahil nagmumula ito sa matagal nang kaibigan sa radyo. Alam ninyo naman siguro na kapiling ko kayo tuwing gabi sa inyong pagsasahimpapawid. Si kapatid na Ramon ay kilalang-kilala sa Plaza Miranda. Marami siyang tagahanga dito mula sa iba't ibang saray ng lipunan: nariyan ang estudyante, guro, doktor, dentista, inhinyero, karaniwang manggagawa, nag-oopisina, tindero, tsuper at pastor na tulad ko.

Sa pakiramdam ko malaki rin ang impluwensiya ni Ramon sa buhay ng masang Pilipino. Kaya sana huwag siyang makakalimot sa kanila para hindi sila masiphayo.

Buweno, hindi ko na dadagdagan ito. Hanggang sa susunod na pagsusulatan natin.

Pagpalain kayo ng Diyos,
Bro. Felix Pecache
Methodist Church
Manila, Philippines