Pinasimulan na ng Shanghai Space Bureau ang pananaliksik at pagdedevelop ng bagong Fengyun 3 satellite na yayarin sa pamamagitan ng mga sulong na teknik ng ika-21 siglo.
Ang Fengyun 3 ay magiging mas sulong at inaaasahang papalit sa Fengyun 1. Ang Fengyun 3 ay kakabitan ng 9 na instrumento para lalo itong maging epektibo at malakas. Tinatayang ilulunsad ito sa taong ito.
Ang dinisenyong bigat nito ay 2,200 kilo at ang dinisenyong haba ng buhay nito ay dalawang taon. Dahil sa 250 meter resolution power nito, malalaman nito ang highway habang umiinog ng 890 kilometro taas mula sa mundo. Ang techinical standard nito ay magiging mas mataas kaysa sa kasalukuyang NOAA-15 satellite ng E.U..
Ang Shanghai Space Bureau ay isa sa mga mahalagang base ng Industriyang Pangkalawakan ng Tsina. Sa nakaraang 31 taon, ang kawanihan ay nakagawa ng labing dalawang satellite at matagumpay na nailunsad ang walo sa mga ito. Ang dalawa ay lumilipad pa rin hanggang ngayon sa kalawakan. Ang Fengyun 1C Sun Synchronous Orbital Satellite ay inilunsad noong Abril ng 1999 at ang Fengyun 2B Earth Synchronous Orbital Satellite ay inilunsad naman noong Hunyo ng taong 2000.
Ang Tsina ay sumunod sa Estados Unidos at Rusya sa pagiging ikatlong bansa sa daigdig na nakagagawa ng sun synchronous at Earth synchronous orbital satellite at nakapagbuo ng kompletong weather observation net. Sa susunod na sampung taon, magtatayo ang Tsina ng isang matibay na observation satellite system at magkakamit ng directable three-dimensinal observation ng land masses, karagatan at atmospera ng mundo.
Sa loob ng ika-10 Five-Year Period (mula 2001 hanggang 2005), ang Shanghai Space Bureau ang mananagot sa pagdedevelop ng anim na satellites. Noong 2001, pinlano nitong maglunsad ng Fengyun 1D upang ipalit sa Fengyun 1C. Noong 2003 inilunsad ang Fengyun 2C upang siyang humalili sa gawain ng Fengyun 2B na may dinisenyong tatlong taong haba ng buhay.
|