• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-12-02 15:21:57    
Nanning Joint Emergency Response Center

CRI
Kilalang kilala sa Nanning ang Joint Emergency Response Center, hindi lamang dahil may mahigpit na kinalaman ito sa mga residenteng lokal, kundi nakakatulong din ito sa mga panauhin mula sa labas ng Nanning.

Gusto ba ninyong malaman kung papaanong tumatakbo ang sentrong ito? Puntahan natin ang headquarters ng sentro. Pagpasok sa headquarters, ang unang-unang sasalubong sa iyo ay iyong malaking screen kung saan makikita ang hinggil sa lagay ng trapiko ng Nanning. Abalang-abala ang mga operator sa pagsagot ng mga tawag at sa pag-i-input sa computer. Kaugnay nito, isinalaysay ni Shi Jufu, isang namamahalang tauhan ng sentro:

"Nahahati sa 2 bahagi ang salon. Sa kaliwa, tinatanggap ng mga operator at ini-input nila sa computer ang mga impormasyon hinggil sa di-inaasahang pangyayari na may kinalaman sa first-aid, seguridad na pampubliko, traffic accident at sunog. Pagkatapos, sa pamamagitan ng computer, inihahatid ang mga ito sa mga staff member sa kanan na namamahala sa pakikipagkoordina sa iba't ibang may kinalamang organo para magkakasamang maharap ang mga di-inaasahang pangyayari."

Noong 1998, hiniling ng Pamahalaang Tsino sa iba't ibang lokalidad na itatag ang social relief system. Bilang kauna-unahang trial city ng bansa, naglaan ang Nanning ng 160 milyong Yuan RMB o 20 milyong dolyares at itinatag nito ang social relief system noong Nobyembre ng taong 2001. Ang Joint Emergency Response Center ay bahagi ng naturang sistema.

Ayon sa salaysay, bago itatag ang sentro, wala pang 1000 bawat araw ang bilang ng mga natatanggap na tawag hinggil sa mga di-inaasahang pangyayari, pero, salamat sa sentrong ito, napalalakas ang kakayahan ng pamahalaang lokal sa paghawak sa naturang mga pangyayari at lumalampas sa 5700 ang natatanggap na tawag bawat araw.

Isinalaysay rin ni Shi na salamat sa magkasanib na aksyon at mga sulong na instalasyon, episyente ang sentro. Gumanap ng napakahalagang papel ang sentro sa kauna-unahang CAEXPO. Sinabi niya na:

"Nakapagbigay ng garantiya ang sistemang ito sa tagumapay ng kauna-unahang CAEXPO noong isang taon. Sa pamamagitan ng ibayong pagpapabuti rito, nananalig kaming patuloy na makakatulong ito sa maalwang pagdaraos ng gaganaping ikalawang CAEXPO."

Upang maibigay ang mas mahusay na serbisyo para sa mga kalahok sa CAEXPO, itinayo rin ng emergency response center ang isang espesyal na service center at maraming boluntaryong nagme-major sa mga lengguwaheng Asean at mga may kinalamang lengguwesta ang inupahan para sagutin ang mga tawag ng mga panauhin mula sa mga bansang Asean. Noong panahon ng kauna-unahang CAEXPO, tumawag minsan sa hotline si Mahathir Mohammed, dating punong ministro ng Malaysiya.

Upang mas mahusay na mapaglingkuran ang gaganaping CAEXPO, abalang abalang naghahanda para rito ang service center. Kaugnay nito, sinabi ni Ginang He Xiaoming, Direktor ng sentro, na:

"Sa kasalukuyang taon, pinaaga namin ang mga gawain hinggil sa pag-upa ng mga boluntaryo at pagsasanay sa kanila, at mas mahigpit ang pagsasanay. Sa pamamagitan ng naturang mga hakbangin, umaasa kaming mabibigayan ng mas magandang serbisyo ang mga kalahok na panauhin sa ikalawang CAEXPO."