Ipinanganak si Qu Yuan noong 240 BC sa panahon ng Warring States Period kung kailan may pitong estado na naglaban-laban sa isa't isa para pag-isahin ang Tsina. Sa pitong estadong ito, ang Qin ay ang pinakamalakas at ang Chu naman ang pinakamalaki. Si Qu Yuan ay isang taong maharlika ng estado ng Chu. Noong panahon niya, humina ang dati'y malakas na kaharian ng Chu.
Mula pa sa pagkabata, natamo na ni Qu Yuan ang kompiyansa ng hari ng Chu at ninombrahan siya bilang pangalawang punong ministro na namamahala sa pagpapapnukala ng mga batas at pagtatakda ng patakarang panlabas. Noong maramdaman niya ang banta ng ambisyosong estado ng Qin, inimungkahi niyang gumawa ng reporma ang gobyerno ng Chu at makianib sa kapitbansa nitong Qi para maigarantiya ang seguridad ng kanyang bansa.
Pero, napapaligiran ang hari ng Chu ng mga taong makasarili na nainggit kay Qu Yuan. Tumanggap sila ng suhol mula sa mga sugo ng Qin at hinimok nila ang hari na huwag tanggapin ang mungkahi ni Qu Yuan. Nagsikap pa sila na mapalayo ang hari sa makatang ito. Bilang resulta, sa bandang huli, si Qu Yuan ay naging desertado sa loob ng 20 taon.
Sa mga walang pag-asang taong iyon, manood na lamang ang walang magagawang si Qu Yuan habang nanghihina ang minamahal niyang inang-bayan araw-araw. Noong taong 278 BC, mahigpit na sinalakay ang kabisera ng Chu ng mga tropa ng Qin. Si Qu Yuan, na labis na nalulungkot dahil dito, ay kumatha ng "Lisao" o "The Lament", pinakadakila sa lahat ng kanyang tula. At noong ikalimang araw ng ikalimang lunar month, nilunod niya ang kanyang sarili sa Milo River, sa dahilang nawalan na siya ng pag-asa sa hinaharap ng kanyang bansa.
Namatay si Qu Yuan noong libu-libong taong nagdaan, pero nagugunita siya ng mga tao taon-taon dahil sa pagmamahal sa katapatang-loob niya sa kanyang bansa at mga kababayan. Sa mga tula niya, isinulat niya ang sumusunod:Matagal na akong nagbuntung-hininga at pinahid ko ang aking luha. Nang makita kong nalilipos ng pagkalungkot at pagkatakot ang aking kababayan... Ang paghihirap ng mamamayan sa aking puso sumusugat at hindi ko maiwan ang aking bayan.
Nagdadalamhati ang mga tao para doon sa minsan ay nagdalamhati sa kanila. Tuwing Duanwu Festival, araw ng pagkamatay ni Qu Yuan, magkakarerahan ang mga tao ng dragon boat bilang paggunita sa kanya. Pinaniniwalang ito ay representasyon ng mga pagsisikap noon ng mga mamamayan ng Chu upang matagpuan ang bangkay ni Qu Yuan sa Milo River. Ang hugis-pyramid na dumpling na pinangalanang Zongzi ay inihahagis sa ilog para pakanin ang mga isda, nang sa gayo'y pabayaan ng mga ito ang bangkay ni Qu Yuan.
Trahedya ang buhay ni Qu Yuan, pero bilang isang makata, natamo niya ang malaking tagumpay. Sa katotohanan, itinuturing siyang unang makata sa panitikang Tsino. Bago ang panahon niya, meron lamang katutubong kanta. Lumikha si Qu Yuan ng isang bagong istilo ng panulaan, na nakilala noong bandang huli bilang Chu Ci.
|