• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-12-05 14:40:13    
Kasiyahan ang mga tanawin sa Shijiazhuang

CRI

Susulyapan natin ang Shijiazhuang, kapital na lunsod ng Lalawigang Hebei.

Ang Shijiazhuang ay matatagpuan sa lugar na 250 kilometro sa timog-kanluran ng Beijing. Sa kanluran, ito ay kahangga ng Taihang Mountains samantalang sa tatlong iba pang panig nito, ito ay nakaharap sa malawak at mayamang kapatagan ng Tsina. Bukod sa pagiging isa sa mga sentro ng komunikasyon ng Tsina, ito ay nagsisilbi ring interseksiyon ng Beijing-Guangzhou, Shijiazhuang-Dezhou at Shijiazhuang-Taiyuan Railway Lines. Kilala rin ito dahil sa paunlad nang paunlad na industriya ng tela nito.

Sa pag-uusap naming ng kababayang traveler na si JM, sinabi nito na datapuwa't hindi kilala ang Shijiazhuang sa ibang pangalan, marami rin naman itong maipagmamalaki sa mga turista...

Bilang karagdagan dito, sinabi ni JM na matatagpuan din sa musoleo ang libingan ni Dr. Norman Bethune, ang dakilang internationalist fighter mula sa Canada. Aniya, ang kasinlaki-ng-taong istatuwa ni Dr. Bethune ay nakatindig sa harap ng libingan. Nasa silangang panig naman aniya ng musoleo ang libingan ni Dr. Dwarkanath Shantaram Kotnis, kaibigan ng Tsina mula sa India. Tinukoy rin ni JM na sina Dr. Bethune at Dr. Kotnis ay kapuwa nagpunta sa Tsina noong huling dako ng 1930's para tumulong sa mga mamamayang Tsino sa kanilang pakikipagdigma laban sa mga mananlakay na ltapones at parehong namatay sa Tsina.

Isa naming tulay na itinayo sa Jiaohe River mga 2.5 kilometro sa timog ng Zhaoxian County ang nagiging paborito ng mga bisita sa Shijiazhuang. Ang tulay na ito na napakagandang pagmasdan sa larawan man o sa katunayan ay tinawag na Zhaozhou Bridge noong sinunang panahon. Ang tulay ay ginawa sa pagitan ng 605 at 616 A.D. at dinisenyo ng isang bantog na masong Tsino na si Li Chun. Ito ay gawa sa bato, may sukat na 50.82 metro ang haba at 10 metro ang lapad at may hindi pangkaraniwang arko na may taas na 7.23 metro at balantok na 37.35 metro. Ang mga batong barandilya at kolum sa tulay ay inukitan ng napakagagandang disenyo ng dragon at phoenix. Isa sa mga pinakamatandang arkong tulay ng Tsina na may mahabang open-spandrel ng arko sa gitna at dalawang mas maliit na arko sa magkabilang tabi, ang tulay na ito ay may mahalagang puwang sa kasaysayan ng Tsina sa pagtatayo ng tulay at nagging tunay na kawili-wili hindi lamang sa mga turista kundi maging sa mga inhinyero.

Sabi ni JM kung mahilig daw kayo sa resort, may isang lugar sa Shijiazhuang na bagay sa inyo...

Alam niyo ang Fortune Celebration Temple ditto sa Gangyan ay naglalaman ng napakahusay ng pagkakagawang istatuwa ni Prinsesa Nan Yang. Si Prinsesa Nan Yang na sinasabing pinakamatandang anak na babae ng emperador ng Sui Dynasty ay nagging madre ditto.

Napag-uusapan din lang ang monasteryo, isang monasteryo na mula pa noong taong 586 A.D., noong panahon ng paghahari ni Emperador Kai ng Sui Dynasty, ang tatlong palapag na pangunahing gusali ng monasteryo, ang Great Benevolence Pavilion ay may limang medya-agua at naglalaman ng may 22 metrong taas at 42 kamay naistatuwang tanso ng Goddess of Mercy. Matatagpuan din ditto ang isang koleksiyon ng mga historical na monumento, tablet, istatuwa at iba pang relikya ng Shijiazhuang area.

Para sa hotel na matutuluyan at karagdagang impormasyon hinggil sa paglalakbay dito sa Shijiazhuang, sabi ni JM...

Kung nagpaplano kayong mag-tour ditto sa Tsina, I-consider ninyo itong Shijiazhuang. Malapit lang ito sa Beijing. Tiyak na kasisiyahan ninyo ang mga tanawin dito...