• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-12-05 14:56:06    
Nobyembre ika-27 hanggang Disyembre ika-3

CRI

Binuksan noong isang linggo ang isang bagong ruta sa pamamagitan ng Youyiguan ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi sa timog kanlurang Tsina para sa mga prutas ng serong taripa ng mga bansang ASEAN. Sa pamamagitan ng rutang ito, ang mga prutas ng Thainland ay makakapasok sa Tsina sa loob ng dalawang araw.

Mula noong ika-26 ng nagdaang buwan, pinasimulan ang pagbrodkast ng mga programa ng Yunnan Satellite TV-station ng Tsina sa cable TV network ng Hanoi, Vietnam. Sa gayo'y, ang Yunnan ay naging kauna-unahang lalawigan ng Tsina na nakapasok sa cable TV network ng mga bansang ASEAN.

Nilagdaan noong Biyernes sa Beijng ng mga opisyal ng Tsina at Singapore sa mga suliranin ng abiyasyong sibil ang isang memorandum of understanding hinggil sa pagpapalawak ng abiyasyong pangkargamento ng dalawang bansa. Ayon sa MoU, bubuksan ng dalawang bansa sa isa't isa ang pamilihan ng abiyasyong pangkargamento sa pagitan ng dalawang bansa. Maaaring magsaoperasyon nang walang limitasyon ang mga kompanya ng abiyasyon ng dalawang bansa ng mga cargo flight sa pagitan ng anumang lugar ng dalawang bansa at wala ring limitasyon sa dami ng mga flight.

       

Idinaos noong gabi ng ika-26 ng nagdaang buwan sa Bangkok ang isang konsiyerto bilang paggunita sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Thailand at ika-60 anibersaryo ng pagtapos ng Ika-2 Digmaang Pandaigdig. Nagtanghal sa konsiyerto ang mahigit 400 tao mula sa mga chorus at philharmonic orchestra ng Tsina, Thailand, Indonesya, at Sinagapore.

         

Idinaos mula noong Martes hanggang Miyerkules sa Hanoi, Vietnam ang ika-5 pulong na ministeryal ng ASEAN at ika-2 pulong na ministeryal ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea o "10 plus 1" hinggil sa pagbibigay-dagok sa krimeng transnasyonal. Lumahok sa pulong ang mahigit 200 kinatawan mula sa sampung bansang ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea at magtatalakayan sila hinggil sa mga estratehiya sa pagbibigay-dagok sa transnasyonal na krimen. Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Vu Khoan, pangalawang punong ministro ng Vietnam, na upang mabigyang-dagok ang transnasyonal na krimen, dapat pahigpitin ng mga bansang ASEAN ang pagbabahagihan at pagpapalitan ng impormasyon. Sinabi rin niya na bukod sa kooperasyon sa pagitan ng mga kasaping bansa, dapat lubos ding makipagtulungan ang ASEAN sa Tsina, Hapon at Timog Korea para mapasulong ang kapayapaan at kaunlaran ng rehiyon. Narating ng pulong ang komong palagay sa pagpapalakas ng pagbibigay-dagok sa krimeng transnasyona, lalong-lalo na sa kooperasyon sa pagbibigay-dagok sa pandaigdig na terorismo at iba pa. Lumahok sa pulong ang delegasyong pinamumunuan ni Meng Hongwei, pangalawang ministro ng seguridad na pampubliko ng Tsina. Sa panahon ng pulong na 10+3, ipinaliwanag ng delegasyong Tsino ang paninindigan ng pantay, bukas, kooperasyon at win-win hinggil sa pagbibigay-dagok sa krimeng transnasyonal, at iniharap din ang mga kongkretong mungahi hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyon sa pagpapatupad ng batas at pagsasanay sa mga personahe.

Sinabi dito sa Beijing ni Cui Tiankai, puno ng departamento ng mga suliraning Asyano sa ilalim ng ministring panlabas ng Tsina na bukas at konstruktibo ang atityud ng Tsina sa kauna-unahang Summit ng Silangang Asya. Mula ika-11 hanggang ika-15 ng darating na buwan, dadalaw si Premyer Wen Jiabao ng Tsina sa Malayisa at dadalo siya sa ika-9 na "10+1" Summit, ika-9 na "10+3" Summit, kauna-unahang Summit ng Silangang Asya at iba pang pulong.

Sa paanyaya ng mataas na kapulungan ng Pilipinas, komite sentral ng Vietnam Fatherland Front, komite sentral ng Lao Front for National Reconstruction at mataas na kapulungan ng Thailand, lumisan noong Sabado ng Beijing papunta sa naturang 4 na bansa ang delegasyong Tsino na pinamumunuan ni Wang Zhongyu, pangalawang tagapangulo ng Pulitikal na Komsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC at tagapangulo ng China Ecnomic and Social Council, para pasimulan ang kanilang pangkaibigang pagdalaw sa nasabing 4 na bansa.

Ipinahayag noong Huwebes ng pamahalaang Philipino na tatangkilik sila ng diyalogo sa pahanon ng pagdaraos sa Manila ng ika-8 pulong at pagtatanghal ng lupon ng langis ng ASEAN para manawagang itatag ang impraestruktura ng oil reserve. Binigyan-diin ni Raphael P.M. Lotilla, kalihim ng enerhiya ng pilipinas na umaasa si pangulo Gloria Macapagal Arroyo na opisiyal na ihaharap ang nasabing mungkahi sa ika-8 pulong at pagtatanghal ng lupon ng langis ng ASEAN na idinaos mula kahapon hanggang ika-3 ng buwan ito para talakayin ng mga kalahok na kinatawan. Ipinasiya ni Lotilla na ang pagtatatag ng oil reserve ay makakabuti sa seguridad ng enerhiya ng ASEAN at ito ay angkop sa interes ng lahat ng bansang ASEAN.