• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-12-08 17:00:21    
Ang bulaklak na Chinese plum sa taglamig--interview kay pintor Zhao Qiuping

CRI

Si Madam Zhao Qiuping ay isinilang sa Minhou ng Lalawigan ng Fujian. Siya ay espesyal na pintor ng Sentro ng Kultura at Sining na tuwirang nasa ilalim ng Chinese Art Research Institute, miyembro sa mataas na antas ng Painting and Calligraphy Art Academic Committee ng mga Artista na tuwirang nasa ilalim ng Chinese Talent Research Institute, miyembro ng Chinese Modern Art Research Institute, associate professor ng Branch School ng Fuzhou na tuwirang nasa ilalim ng Xi'an Engineering Scientific-Technological Institute, miyembro ng Chinese Painters' Solidarity, kagawad ng mga Expert's Committee ng Kultura at Singing ng Tsina at Timog Korea, academician ng Chuanfu Painting and Calligraphy Acadamy, at tagapangulong pandangal ng China Wuling Painter's Association. Si Madam Zhao ay napili bilang "world painting and calligraphy arts most famous person" noong Oktubre, 1996 at noong Disyembre, 1997, siya ay pinili bilang "trans-century arts talent para sa taong 1997". Noong Disyembre, 1998, siya ay ginawaran ng International Silver medal bilang alagad ng sining, at pinagkalooban ng sertipiko ng "malaking gantimpala ng bantog na artista sa daigdig sa ika-20 siglo".

 

Ang mga resulta na nakamit ni Madam Zhao Qiuping ay di mayhihiwalay sa katalinuhan at walang puknat na pagsisikap niya mismo.

Pagkaraang magtapos na senior secondary school noong 1969, si Madam Zhao ay pumunta sa Baryo ng Wubu, Zhanghuban, lunsod ng Nanping, lalawigan ng Fujian upang sumama sa mga magsasaka sa paggawa. Noong panahong iyon, 34 na kabataan na kinabibilangan ng Gurong si Zhao ang pumunta sa nasabing baryo. Pawang naging pesimistiko ang mga kabataang ito sapagkat naramdaman nilang madilim ang prospect ng kanilang pamumuhay. Araw-araw pagod silang lahat sa trabaho.

Nang mabanggit ang kalagayan noong pananoong iyon, sinabi ni Zhao,

"Bilang isang tao, siya ay dapat magkaroon ng sarilinang target ng pagpupunyagi para makapag-ambag sa lipunan."

Sa katunayan, ang gurong si Zhao ay maraming makukulay na kuwento, at mayroon ding matitinding pinagdaanan. Paanong naging isang bantog na pintor si Zhao? Sinabi niya, ni minsan hindi pumasok sa kaniyang isip na maari siyang maging isang pintor sa hinaharap. Noong bata pa siya, ang ambisyon niya ay maging isang "musician" o "diplomata". Kaya nang maging pintor si Madam Zhao Qiuping, nagtaka ang lahat ng mga taong nakakakilala sa kaniya noong panahon iyon.

Kung nais maging isang mahusay na pintor talagang kailangang kailangan ang walang puknat na pagsisikap. Ayon sa pagsariwa ni Zhao,

"Natagpuan ko ang maraming kahirapan. Paminsan-minsan, walang kaya akong bumili ng mga papel para sa pagguhit ng larawan. Ang mga pahayagan ay ginamit ko sa pagguhit ng larawan."

Sa daigdig, si Gurong Zhao ay itinuturing na "pintor ng jasmine". Ang kaniyang mga larawan ay minamahal ng maraming kolektor sa loob at labas ng bansa. Kaya maraming naglitawang mga pekeng painting ni Zhao. Pero may isang Japanese expert ang nagsabi na alam niya kung tunay o peke ang larawang ito. Sinabi niya na ang mga pekeng painting ni Zhao na gawa ng ilang tao ay hindi nagpapakita ng esensiya at diwa ni Zhao.

Ang paguhit ni Gurong Zhao sa orchid ay kaakit-akit. Ang dahon ng orchid ay parang may dalang hamog sa hangin. Mula noong sinaunang panahon, maraming maraming iskolar ang nagmahal sa orchid. Ang orchid ay walang espesyal na sariwang kulay, at wala ring buhay na karwahe. Bakit ito minahal ng mga tao? Sapagkat ang orchid ay kumakatawan sa isang diwa. Ang isa pang pangalan ng orchid ay kaffir lily. Ang kiffir lily ay itinuturing ng mga iskolar noong sinaunang panahon o maging sa kasalukuyan bilang isang spiritual consolation. Sinabi ni Zhao,

"Ang pagguhit ko ng orchid ay naglalarawan ng matigas kong kalooban sa harapan ng mga kahirapan."

Kung sasabihin na ang orchid ay "depiction" ng diwa ni Zhao, ang Chinese plum plower ay depiction ng ugali ni Gurong Zhao.