Dear Filipino Service,
Happy Valentine's Day sa inyo.
Nagpadala ako ng card para sa New Year. Natanggap ba ninyo?
Kumusta naman ang celebration ninyo diyan? Siguradong maraming trianggula kasi ang China ng naka-imbento ng malalakas na paputok at colorful fireworks, hindi ba?
Paano nga pala ang dating ng Valentine sa inyo? Siguro maraming dates at dinner shows. Kami rito nagpipilit na labanan ang homesickness. Siguro alam niyo naman dito sa Saudi. Napakahigpit kaya hindi kami makapag-good time maliban na lang kung patago. Mahriap na.
Alam mo pareng Ramon, since na nagsimula kaming makinig sa iyong Cooking Show, nabawasan na ang aming homesickness. Dati pa-dart-dart lang kami pag nababato kami. Pero ngayon nalilibang kami sa pakikinig sa iyong program at enjoy kami sa voice ng mga guest cook mo na ang karamihan ay mga kababayan pa natin. Palagi kaming nag-e-experiment ng Chinese food at most of time successful kami. Salamat sa concept mo. Talagang iba ang Pinoy, ano?
I just hope you will find time communicating with us here. Welcome na welcome ka sa Pinoy community dito.
Congratulation, good luck, good hunting.
Para sa iyo pare, Engr. Danilo Malonzo Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia
|