• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-12-09 14:41:17    
Tsina at ASEAN, ibayo pang pasusulungin ang pagtatatag ng CAFTA

CRI
Idinaos nitong nakaraang Lunes sa Beijing ang isang araw na ika-2 seminar hinggil sa CAFTA o malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN na magkasamang itinaguyod ng ACB o ASEAN Committee Beijing at ABCC o ASEAN Business Consultant Center. Lumahok sa naturang seminar na may temang "CAFTA, paghahanap ng kooperasyon sa pamamagitan ng pagbubukas" ang mahigit 200 personahe na kinabibilangan ng mga diplomata ng sampung bansang ASEAN sa Tsina, opisyal ng mga departmento ng pamahalaang Tsino, iskolar, eksperto at mga kinatawan mula sa mga bahay-kalakal na Tsino.

Sa unang araw ng susunod na buwan, pormal na paiiralin ang Kasunduan sa Kalakalan ng Paninda ng Tsina at ASEAN at ito ay magsisilbing palatandaang magkakamit ng isang malaking progreso ang proseso ng pagtatatag ng CAFTA. Sa background na ito, idinaos ang naturang seminar para talakayin ng Tsina at mga bansang ASEAN ang hinggil sa kung papaanong mapapasulong ang kanilang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa bagong kalagayang ito. Sa kanyang talumpati sa seminar, sinabi ni Thein Lwin, embahador sa Tsina ng Myanmar, kasalukuyang tagapangulong bansa ng ACB, na

"Napapanahon ang pagdaraos ng kasalukuyang seminar. Ikinagagalak kong makita ang pagpapairal ng Kasunduan sa Kalakalan ng Paninda ng Tsina at ASEAN. Kasunod nito, hihigpit pa ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig."

Sa kanila namang talumpati sa seminar, pawang ikinasisiya ng mga opisyal ng Tsina at ng mga bansang ASEAN ang kasalukuyang proseso ng pagtatatag ng CAFTA. Tulad ng sinabi ni Wang Yunze, pangalawang pangulo ng Chinese People's Association for Friendship with Foreign Countries,

"Apat na taon lamang ang nakaraan mula noong iniharap ng Tsina ang mungkahi hinggil sa pagtatatag ng CAFTA hanggang narating ng dalawang panig ang kasunduan sa kalakalan ng paninda. Lubos na ipinakikita nito ang mataimtim na hangarin ng Tsina at ASEAN para sa pagpapahigpit ng kooperasyon at pagsasakatuparan ng komong pag-unlad."

Kung gaano kalaki ang kasiyahan ng dalawang panig sa kasiyahan sa kasalukuyang proseso ng pagtatatag ng CAFTA, ganoon din naman ang kanilang prospek dito. Hinggil dito, sinabi sa mamamahayag ni Jaime Victor Ledda, konsul ng Pilipinas sa Tsina, na

"Ang CAFTA ay itinatatag sa pamamagitan ng walang humpay na pagmomonitor, pagtatalakay at pag-uusap ng iba't ibang may kinalamang panig at kung maisasagawa ang ganitong pagsasanggunian at diyalogo, saka lamang magtatagumpay ang CAFTA. Sa pamamagitan ng mga kasalukuyang aksyon ng Tsina at aming mga bansang ASEAN, nakikita namin ang seryosong pagsisikap ng iba't ibang panig para maigarantiya ang tagumpay na ito."

Sa naturang seminar, tinalakay din ng iba't ibang kalahok na panig ang hinggil sa China-ASEAN Expo. Bilang isang mahalagang bahagi ng CAFTA, matagumpay na idinaos noong isang taon sa Nanning ang kauna-unahang China-ASEAN Expo at idaraos ang ika-2 ekspo mula ika-19 hanggang ika-22 ng Oktubre ng taong ito. Nang mabanggit ito, inilahad ni Zheng Baisong, pangalawang pangkalahatang kalihim ng sekretaryat ng China-ASEAN Expo, na

"Magiging mas propesyonal ang ika-2 ekspo at magtatakda kami ng 4 na paksa hinggil sa impormasyon ng mga bansang ASEAN, kalakalan ng paninda, kooperasyon ng pamumuhunan at turismo. Magsasagawa kami ng mga hakbangin para lalo pang mapabuti ang kasalukuyang ekspo at wini-welcome ang mas maraming bahay-kalakal mula sa mga bansang ASEAN na lumahok sa ekspong ito."

Sa kasalukuyan, walang sagabal na sumusulong ang pagtatatag ng CAFTA. Umaasa kaming tumpak na magdudulot ang malayang kalakalan ng pakinabang sa mga bahay-kalakal at mamamayan ng dalawang panig para maisakatuparan ang komong kaunlaran at kasaganaan ng Tsina at mga bansang ASEAN.