• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-12-09 22:12:24    
Isang dakilang epiko ng Tsina

CRI
Saan makikita ang Estado ng Ling, na inilarawan bilang bayan ni Gesar sa tanyag at maging ng malaking bahagi ng Kamba. Sinasabi naman ng iba na ito'y nasa purok ng Sichuan na inaagusan ng Yellow River at binubuo ng Norgyi, Hongyuan at Aba. May iba namang naniniwala na ito ay nasa Qubu sa lalawigan ng Gansu na kung saan ang mga mamamayan ng grupong etnikong Tibetano'y namumuhay sa isang siksik ang komunidad. Gayunman, may nagsasabing ang bayang tinubuan ni Gesar ay nasa purok ng Golog-Yushu ng lalawigan ng Qinghai, samantalang mayroon namang naggigiit na ang Estado ng Ling ay dapat sumasaklaw sa mga purok sa tawid-hanggahan o cross-border ng mga lalawigan ng Qinghai, Sichuan at Gansu.

Anuman ang sabihin nila ay makakakuha sila ng suporta mula sa mga aklat na ito: Mga Tanog at Sagot ni Sumba Yexei Benjor, isang mananalaysay ng Probinsiyang Qinghai noong dekada 60 ng ika-18 siglo, Likas na Purok ng Dorkam ni RenNaiqiang noong 1940 at Isang Pag-aaral Tungkol kay Haring Gesar at sa mga Balladeer na Tibetano at ang Ling Edition of Tibetan King Gesar ni R.A. Stein ng Pransya. Sang-ayon ang naturang mga aklat na ang Estado ng Ling ay matatagpuan sa loob ng Aba sa Sichuan na lumawak mula silangan hanggang kanluran ng Dengke sa dakong hilaga ng Garze. Ang impluwensiya nito'y madarama kahit sa Qinghai.

Upang mapag-aralan ang lupang tinubuan ni Gesar, isang grupo ng apat na eksperto mula sa Qinghai ang pumunta sa Golog at Yushu sa Qinghai noong tag-init ng 1999 at sa Aba at Garze sa Sichuan kung saan mas popular si Haring Gesar. Ang resulta'y nagkaroon sila ng konklusyon na ang Jisuya sa Xiongbaji, nayona Axu, Bayang Dege ng Garze ang lupang sinilangan ni Gesar.

Natagpuan ng grupo ng apat na eksperto ang Living Buddha Bagyia sa Chacha Monastery sa Bayang Dege noong Hulyo 19. Mga 20 kilometro iyon mula Nayong Axu. Habang naghihintay ng bus sa sinabi sa kanila ng Living Buddha na mahal na mahal niya si Haring Gesar. Nang sabihin ng grupo ang kanilang pakay ay lalong sumigla ang pakikipag-usap ng Buddha sa kanila.

Ang Nayon ng Axu ay nasa ibayo ng Ilog ZhaQu sa dakong itaas ng Ilog Yarlung at may 207 kilometro ang layo mula sa bayan. Ito ay nagagayakan ng nagwawagayway na sutra streamers, isa itong daigdig ng mga natural na bagay na maraming isdang lumalangoy sa mga ilog at lawa.

Ayon kay Living Buddha Bagyia, si Gesar ay si Dongzhu Zarbao, panganay sa labing limang anak na lalaki ng hari sa langit na si Baifan. Siya ay ipinalalagay na reinkarnasyon ni Master Padmasambhava, isang mongheng Indiyano na nagpapalaganap ng Buddhismo sa Tibet. Sa harap ng nagkalat na mga diyablo, ipinasiya ni Gesar na iligtas ang mga nagdurusa sa kailaliman ng walang hanggang kapahamakan.

Ayon sa alamat, si Gesar ay isinilang sa Jisuya, isang araw ng Sabado, sa isang tolda na yari sa balahibo ng yak. Ikinukuwento pa rin ng mga tao roon ang tungkol sa kanyang pagsilang. Gayunman, may nagsasabing isinilang siya sa tabi ng Ilog Mameoke Qu sa dakong timog ng Bundok Bayankala sa purok hanggahan ng Yushu at Garze. Ganito naman ang paglalarawan ng mga tao tungkol sa kanyang lupang sinilangan: nasa kaliwa daw ito ng isang punong sipres, isang lugar na parang buntot ng kabayo; nasa kaliwa daw ito ng isang bukal na hugis mangkok; at nasa ilalim daw ito ng isang bato na mistulang palaso.

Sa maniwala kayo't sa hindi, may isang bumubulwak na bukal sa purok na kung saan inuusal ni Gesar ang mga sutra. Nagtataka kami nang labis sa singlinaw ng kristal na tubig ng naturang bukal. Tinangka naming tikman ang tubig, pero ayaw ng Living Buddha, ayon sa kanyang paliwanag, madudumihan ang bukal at matutuyo.

May isang nakapagtatakang pagkakataon tungkol sa kung ano ang sinasabi ng mga tao at at kung ano ang inilalarawan ng epiko hinggil sa lupang sinilangan ni Gesar. Ito'y nasa dakong tagpuan ng dalawang ilog kung saan itinayo ng ina ni Gesar ang kanyang tolda. May naniniwala naman na ito'y nasa gitna ng mga buho ng Bulwagang Sutra ni Haring Gesar. Sa likod ng Bulwagang Sutra ay may isang malaking bato na hugis palaso na naaagapayanan ng damuhan na parang nakaladlad na piyeltrop felt.