• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-12-15 13:47:46    
Si Jia Lanpo at ang "Peking Man": pagsimula ng pakikipag-ugnayan

CRI

Sa katunayan, ang kinaroroonan ng "Peking Man" sa Zhoukoudian, pook na kanugnog ng Beijing ay unang natuklasan ng isang dayuhan. Sa unang dako ng 1914, tinanggap ng bantog na Swedish geologist na si Gunnar Anderson ang imbitasyon ng Gobyernong Tsino at siya ay naging kasangguni ng mineral administration.

Nakakita siya ng isang klase ng gamot sa Tindahan ng Tradisyonal na Medisinang Tsino na tinatawag na "dragon bones". Pagkaraan ng masusing pagsusuri, natuklasan niya na ang mga ito'y mammalian fossiles.

Pagkaraan, nalaman niya na noong panahong iyon, maraming Tsino ang gumagamit ng "dragon bones" sa paggamot ng ilang karamdam, sapagkat naniniwala sila na ang mga butong ito ay may mapaghimalang bisa sa pagpapagaling ng sakit. Kaya maraming magsasaka ang naghuhukay ng "dragon bones" para magkapera. Ang mga magsasaka sa dakong hilagang-kanluran ng Tsina ay maaring makahukay ng mahigit 10,000 kilo ng "dragon bones" taun-taon. Ang mga ito'y binibili at pagkatapos ay ibinibenta sa mga bansa sa timog-silangang Asya at iba pang bansa sa buong daigdig.

Noong Pebrero ng 1918, nabatid sa wakas ni Gunnar Anderson na ang ilan sa "dragon bones" sa Tindahan ng Tradisyonal na Medesinang Tsino ay galing sa isang lugar na tinatawag na "Dragon Bone Hill" malapit sa Zhoukoudian. Nagpunta siya rito nang nag-iisa at sinimulan ang maliit na saklaw na paghuhukay. Nakatagpo siya ng mga fossile ng tatlong uri ng hayop.

Pagkatapos noon, noong 1921 at 1923, ilang iskolar na dayuhan ang gumawa ng dalawang paghuhukay sa naturan ding lugar at nakatuklas sila ng marami pang fossiles, pero nabigo rin silang matuklasan ang mga labi ng mga ninuno ng sangkatauhan.

Hanggang noong 1926, nang pag-uri-uriin ng mga iskolar na dayuhan ang ilang fossiles, pinatotohanan nila nang walang alinlangan na ang isa sa mga ngipin ay ngipin ng tao. Ang pagkakatuklas na ito'y kaagad na nakaakit ng interes sa Zhoukoudian, kapwa sa loob at labas ng Tsina.

Sa wakas nagantimpalaan din ang kanilang paghihirap sa trabaho at pagtitiyaga. Noong ika-2 ng Disyembre, 1929, natuklasan ni Pei Wenzhong, isang iskolar na Tsino na namamahala sa paghuhukay sa Zhoukoudian, iyon mismong bagay na matagal na nilang inasam-asam: ang unang bungo ng "Peking Man". Napakadilim ng kuwebeng kanilang pinaghuhukayan. Maingat na maingat na dinampot ni Pei Wenzhong ang bungo sa liwanag ng kandila, binalot sa kanyang Amerikana at buong ingat na dinalang pabalik sa kanyang tanggapan na parang pinapangkong sanggol. Ang balita hinggil sa "sanggol" na ito'y sumabog at mabilis na kumalat at ang pangalang Pei Wenzhong ay naging laman ng mga pahayagan saan mang lugar.

Noong 1934, si Pei Wenzhong, na siyang direktor ng Zhoukoudian Branch of Laboratory for Cenozoic Research at China Institute of Geological Survey ay umalis sa kanyang trabaho upang makapaghanda sa kanyang pag-aaral sa Pransiya sa susunod na taon. Hinirang naman ni Yang Zhongdian, direktor ng laboratoryo, si Jia Lanpo para siyang mamahala sa gawain sa Zhoukoudian. Samakatuwid, sinimulan ni Jia Lanpo ang kanyang trabaho tungkol sa mga sinaunang labi ng sangkatauhan.

Noong panahong iyon, ang mga pag-aaral na arkeolohikal sa Zhoukoudian ay sinusuportahan ng pondo ng Rockfeller Foundation. Yayamang wala rin lang bagong tuklas sa Zhoukoudian, ipinagpatuloy ng Rockfeller Foundation ang pagbibigay ng pondo pero para sa susunod na anim na buwan lamang. Kung talagang walang silang anumang tuklas sa loob ng nabanggit na panahon, ititigil na ng Foundation ang pagkakaloob ng pondo. Sina Franz Weidenreich, ang Aleman na paleoanthropologist na nagtatrabaho sa Zhoukoudian at si Jia Lanpo ay kapwa napuspos ng pagkabalisa sa desisyong ito ng Rockfeller Foundation.