• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-12-16 10:33:54    
Kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas, susulong pa

CRI

Ang kasalukuang taon ay ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng Tsina at Pilipinas ng relasyong diplomatiko. Nitong 30 taong nakalipas, walang humpay na lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang bansa, lumalawak ang kanilang kooperasyon sa iba't ibang larangan at sumusulong ang pagkakaibigan ng kanilang mga mamamayan. Batay sa mga ito, nitong ilang taong nakalipas, napakabilis na lumalaki ang kalakalan ng Tsina at Pilipinas at ang karaniwang taunang paglaki ay mahigit 40% at noong isang taon, ang kabuung halaga ng kalakalan ng dalawang bansa ay lumampas sa 13.3 bilyong Dolyares at ang favourable balance para sa Pilipinas ay umabot sa halos 5 bilyong Dolayres na kapwa naging rekord sa kasaysayan.

Nang kapanayamin siya kamakailan, kaugnay ng mabilis na pag-unlad ng kalakalan ng Tsina at Pilipinas, sinabi ni Jaime Victor Ledda, konsul ng Pilipinas sa Tsina, na

"Ito ay isang tunay at lubos na pag-unlad. Ang napakabilis na paglaki ng kalakalan ng Pilipinas at Tsina ay nagpapakita ng pag-unlad at paghigpit ng partnership ng dalawang bansa sapul nang itatag nila ang kanilang relasyong diplomatiko noong 30 taong nakalipas. Napakahalaga ng napakabilis na paglaking ito para sa kapwa bansa, lalung-lalo na para sa Pilipinas, dahil ito ay isa sa mga pinakamahalagang pinaggagalingan ng kita ng Pilipinas at ito ay makakabuti sa pagpapaunlad ng mga industriya ng pagluluwas ng Pilipinas, pagdaragdag ng empleyo sa bansa at pagpapasulong ng pamumuhunang dayuhan sa bansa. Sa palagay ko, ang kalakalan ng Pilipinas at Tsina ay isang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan para sa kapwa panig at ang napakabilis na paglaki ng kalakalan ng dalawang bansa ay isang pinakamainam na pagpapakita ng naturang relasyong may mutuwal na kapakinabangan."

Sa panahon ng pagdalaw ni pangulong Hu Jintao ng Tsina sa Pilipinas noong nagdaang Abril ng taong ito, bukod sa hatid niyang mga kasunduang pangkalakalan na nagkakahalaga ng mga 1.5 bilyong Dolyares, itinakda rin nila ni pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang isang bagong target para sa kalakalan ng dalawang bansa na bago mag-2010, ang kabuuang halaga ng kanilang kalakalan ay aabot sa 30 bilyong Dolyares. Positibo sa target na ito si Mr. Ledda at lipos siya ng pananalig sa pagsasakatuparan nito.

Sa kasalukuyang taon, may isang breakthrough sa kooperasyong pangkabuhayan ng Tsina at Pilipinas. Noong nagdaang Marso, nilagdaan sa Maynila ng kanilang mga pambansang kompanya ng langis, kasama ang Vietnam, ang hinggil sa joint marine seismic research ng tatlong panig sa napagkasunduang area sa South China Sea at sa pamamagitan ng kooperasyong ito, magbubukas ang naturang tatlong bansa ng bagong kalagayan para sa pagsasa-isang-tabi ng pagkakaiba at pagsasagawa ng komong paggagalugad sa South China Sea. Binigyan din ito ng mataas na pagtasa ni Mr. Ledda. Sinabi niya,

"Ipinalalagay ng panig Pilipino na ang paglalagda sa naturang kasunduan ay isang nakapagpapasiglang pag-unlad ng pangyayari para sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon. Ito ay palatandaang ipatutupad ng tatlong panig ang pangako na gawing dagat ng kapayapaan, katatagan, kooperasyon at kaunlaran ang South China Sea. Taos-pusong umaasa kami na magiging mabunga ang kooperasyong ito ng tatlong bansa."

Ipinahayag din ni Mr. Ledda na may tiyak na impluwensiya ang naturang magkasanib na aksyon ng tatlong bansa sa diplomasiyang panrehiyon at pasusulungin nito nang yugtu-yugto ang komprehensibong kalutasan ng isyu ng South China Sea sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.

Bukod sa mga bilateral na kooperasyon, mahalaga rin ang multilateral na balangkas sa larangang pangkabuhayan at pangkalakalan. Ang malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN o CAFTA ay ganitong uri ng balangkas na magkakaloob ng pagkakataon sa Tsina at Pilipinas. Nitong ilang taong nakalipas, bagama't umiiral ang kahirapan, medyo mabilis pa rin ang pagsulong ng konstruksyon ng naturang malayang sonang pangkalakalan. Kaugnay ng progreso ng CAFTA, sinabi ni Mr. Ledda na,

"Ang CAFTA ay itinatatag sa pamamagitan ng walang humpay na pagmomonitor, pagtatalakayan at pag-uusap ng iba't ibang may kinalamang panig at kung maisasagawa ang ganitong pagsasanggunian at diyalogo, saka lamang masasabing talagang matagumpay ang CAFTA. Sa pamamagitan ng mga kasalukuyang aksyon ng Tsina at naming mga bansang ASEAN, nakikita namin ang seryosong pagsisikap ng iba't ibang panig para maigarantiya ang tagumpay na ito."

Umaasa rin si Mr. Ledda na tunay na masasamantala ng Pilipinas at Tsina ang mga pagkakataong dulot ng CAFTA para ibayo pang mapasulong ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.