• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-12-16 16:58:15    
Araw ng Dongzhi

CRI
Habang ang haring araw ay gumagapang patimog, paikli naman nang paikli ang umaga sa northern hemisphere, at ang klima ay palamig din nang palamig. Sa bandang huli, dumarating ang pinakamahabang gabi ng taon. Ito ang tinatawag na Winter Solstice. Ang araw na ito, na tinatawag ng mga Tsino na Dongzhi, ay karaniwang natatapat sa ika-21 o ika-22 ng Desyembre. Pagkatapos ng okasyong ito, nagsisimulang bumalik pahilaga ang araw.

Bakit ipinagdiriwang ng mga Tsino ang pinakamaikling araw ng taon? Nanggaling ang kaugaliang ito sa teoriya ng Yin at Yang. Ang Yin ay sumasagisag sa negatibo, madilim at pambabaeng katangian ng sansinukob, samantalang ang Yang naman ay ang kasalungat nito--ang mga positibo, maapoy at panlalaking katangian. Masasabing dialectical ang teoriya ng Yin at Yang. Pagumabot na ang isang bagay sa sukdulan, pupunta naman ito sa kabilang sukdulan.

Sa araw ng Dongzhi na kung kalian hindi maliwanag ang araw at pinakamikli ang umaga, nasa kasukdulan ng kapangyarihan ang mga katangian ng kadiliman at kalamigan ng Yin. Mula sa panahong ito, nanghihina ang mga ito sa nagbibigay-daan sa kaliwanagan at kainitan ng Yang. Katulad ng mga nangyari sapul noong pagsisimula ng panahon, muling sumusuko nang dahan-dahan ang madilim na puwersa na nagdadala ng sakit at kamatayan sa kasalungat nitong nagbibigay ng buhay at kalusugan. Simula sa araw na ito, palakas nang palakas ang Yang hanggang maging malaganap ito na kasama ng paggising ng mundo sa maluwalhating muling pagsilang ng tagsibol. Panahon ito para sa optimismo, sa masayang selebrasyon.

Naging isang mahalagang pista ang Winter Solstice nitong mga libong taong nakalipas. Ayon sa rekord ng Eastern Han Dynasty noong 1800 taon na ang nakararaan, magbabakasyon nang ilang araw ang emperador at mga opisyal sa korte para sa okasyong ito.

Hanggang noong ika-apat na siglo, naging isang marangyang seremonya ang selebrasyon ng Dongzhi. Ang rehimyento ng mga sundalo at kabalyero na nakasuot ng uniporme ay nakatayo sa loob at sa paligid ng Imperial City. Nakawagayway ang makukulay na watawat sa hanging hilaga. At umalingawngaw ang tunog ng mga pito at tambol sa magandang pinalamuting mga kalye. Naging marangya rin ang pagdiriwang ng mga karaniwang tao ng Winter Solstice. Ang pinakamahalagang gabi ng isang taon ay nagbigay ng pagkakataon sa mga tao para isuot ang kanilang pinakamaganda at pinakabagong damit, dumalaw sa mga kaibigan na may dala ng mga regalo, at magtatawanan at mag-iinuman hanggang sa kalaliman ng gabi. Napakahalaga ang regaluhan. Noong 300 taon na ang nakararaan, kinatha ng isang makata ng Qing Dynasty ang isang tulang naglalarawan kung paanong umiikot ang ulo ng mga tao sa pagpili lamang ng pinakamagandang regalo para lamang matanggap din nila ang regaling ito mula sa ibang kaibigan. Kung iisipin natin ang Pasko at mga kaarawan, makikita nating talagang pangkalahatan ang penomenang ito.