Kumusta sa mga kaibibigan natin diyan sa Cebu City: kina Razek Nacario, Elizabeth Bayate, Caroline Zabate at Marjorie Torrejos, Okay ba kayo diyan?
Kumusta rin kina Venancio Victoria at Madonna Bohiya, si Venancio ay mula sa Malolos City at si Madonna naman ay mula sa Lucena. Sana nakikinig kayo sa mga oras na ito. Salamat sa inyong mga liham. Meron na akong sagot. Hintayin ninyo.
May nakilala akong mga kababayan sa isang wholesale market doon sa may gawing silangan, eastern side, ng Beijing.
Ang mag-asawang Pete at Annie Lim ay namimili ng ipapasalubong sa kanilang pamilya at mga kaibigan. Nagpunta sila sa Beijing para dumalo sa isang seminar na may kinalaman sa kanilang porpesyon. Sila ay parehong ophthalmologist.
Papauwi na sila. Wala nang panahon para sa interview, Kaya nai-suggest ni Pete na telephone interview na lang pangdating nila ng Pilipinas. Okay, sabi ko.
Natuloy ang phone interview, pero may technical problem. May hum ang linya ng telepono kaya hindi nairekord nang malinaw. Hindi broadcast quality ang recording. Sabi nga: kung talagang mamalasin ka, mamalasin ka kahit ano pa ang gawin mo. Ang haba pa naman ng phone conversation naming.
Anyway, sinabi ni Pete na malaki raw karangalan para sa kanila ni Annie na makilalal ang pinaka-popular na broadcaster ng CRI. Ppinion lang nila iyon, ha? Sabi, hindi raw nila alam na meron palang Filipino Service ang CRI. Kung nalaman daw nila nang maaga, noon pa sana sila nagsimulang makinig. Nangako ang charming na magkabiyak na susubaybayan nial ang Friday Special ng inyong lingcod. Naniniwala naman ako na talagang gagawin nila iyon. Talagang talaga.
Anila, naman nila sa pakikpag-usap nila sa mga dayuhan na naririto na peaceful na peaceful ang Tsina. Ang Tsina raw ay isa sa iilan na lamang bansa sa daigdig na masasabing fully secured. Sabi ng mga nakausap nila, dito sa Tsina, wala kang aalalahanin sa paglabas-labas mo sa gabi o pag-uwi mo sa mga alanganing oras. Marhil, sabi nina Pere, ito ang dahilan kaya maraming Pilipino ang tumatagal ditto.
"They found their second home in China. A real second home," sabi ni Pere with feeling, take note, with feelings.
Sabi naman ni Annie, ang development ng China ay katotohanan na hindi maitatago. Kahit na raw iyong mga hindi pa nakarating ng China, nakakagamit ng China-made products at alam ng mga ito na bumabaha ng Chinese products sa lahat ng mga pangunahing lunsod ng daigdig. Iyan lang aniya ay malinaw nang ebidensiya kuang gaano kalaki ang vilume ng Chinese products. Sabi pa ni Annie maraming produkto ang Tsina na very competitive sa world market dahil mababa na ang presyo at talagang export quality.
Sabi naman ni Pete, sa ngayon, ang Tsina ay hindi lamang nagse-set ng example para sa mga umuunlad na bansa para makakawala sa mga kahirapang pangkabuhayan.
At iyan ang China impression nina Pete at Annie Lim.
|