Ang Xiamen ay kilala sa masasarap na pagkain nito at sagana ito sa sea food sa buong taon. Ang mga lobster, alimasag, alimango, abalone at iba't ibang klase ng suso ay pawang mga sariwa. Ang mga prutas ay mabibili rin sa buong taon. Ang mga lokal na prutas ay kinabibilangan ng longan, litsiyas, saging, pinya, kahel, pakwan, mangga, peras at iba pa. Siyempre nakakapasok din sa Xiamen ang mga prutas mula sa ibang lalawigan.
Ang Min Cuisine ay isa sa walong pinakakilalang lutuin ng Tsina. Ang iba ay ang Beijing, Shandong, Sichuan, Guangdong, Jiangsu, Hunan at Anhui cuisine. Minana nito ang tradisyonal na kakayahan sa pagluluto ng Tsina at may sarili itong katangian. Ang lutong pagkain ng Xiamen ay ang kumakatawan sa Min Cuisine na dalubhasa sa sea food na gumagamit ng paraan ng pagpapasingaw, pagpiprito na sinasabayan ng paghahalo at pagpiprito na pinalalangoy ang piniprito at ang pagkain ay lasang sariwa, hindi siksik sa sahog, malutong at katamtaman ang lasa. By the way, ang Min ay ang tradisyonal na pangalan ng Lalawigang Fujian.
Hinggil sa seafood , ang Xiamen Cuisine ay pinakakilala sa garoupa, yellow croaker, pulang alimango at pusit nito. Itinuturing ang mga iyon bilang tradisyonal na lasa noon pa mang unang dako ng Qing Dynasty. Ang mga customer mismo ng mga restawran ang pumipili ng mga buhay na isdang gusto nila at ipinaluluto iyon sa mga kusinero.
Ang isang tradisyonal na pagkain ng Xiamen ay ang Wall-jump Buddha na inihahanda sa pamamagitan ng mahigit 30 klase ng panahog na kinabibilangan ng shark's fin, gulamang dagat, pitso ng manok, paa ng baboy, abalone, mushroom at itlog ng kalapati at saka marami pang pampalasa. Ang mga panahog ay maingat na pinipili at buong husay na hinihiwa. Napakahigpit ng proseso ng pagluluto. Ang mga panahog at pampalasa ay ibinababad muna sa isang bangang puno ng Shaoxing wine, na pinapasakan ang bibig nito matapos takpan. Pinakukuluan ang banga at pagkatapos ay inilalga. Pinagsasama-sama ang mga panahog upang maging isang espesyal na lasa at pinanatili ang bawat panahog ang isang bahagi ng tatanging bango nito. Napakasarap daw niyon, kaya pati ang Budha ay natukso niyon at lumundag siya sa pader upang matikman iyon.
Doon naman sa mga vegetarian, kilalang kilala ang vegetarian food ng Xiamen na inihahanda ng Vegetarian Restaurat sa Nanputuo Temple. Ang mga pangunahing panahog niyon ay kinabibilangan ng vegetable oil, harina, beans, gulay, mushroom, nakakaing kabuti at prutas. Ang bawat putahe ay may sariling lasa at mahigpit na tumatalima sa Buddhist dietary stricture.
Kung kayo naman ay mahiligin sa mga tonic food, ang Ancient Imitation Tonic Food Restaurant sa Lujiang Hotel sa Xiamen ay gumagamit ng mga tradisyonal na medisinang Tsino bilang mga pampalasa sa niluluto nito na hindi naman naglalasang gamot o pumapait ang pagkain. Habang nagbabago ang panahon, pinapalitan din ang mga pampalasa upang mapabuti ang kondisyon ng kalusugan ng mga kumakain. Ang mga pampalakas na pagkain ay may mahabang kasaysayan sa Tsina.
|