• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-12-22 11:05:21    
Liham ni Jonah Domingo

CRI
Dear Seksyong Pilipino:

Gusto kong pasalamatan ang China Radio International at sa Munisipalidad ng Guangxi sa pagbigay sa akin ng isang magandang pagkakataon na makabisita sa China. Para sa akin, ito ay isang magandang panaginip na nagkatotoo. Matagal ko ng gusting makarating at Makita ang ganda ng China na malimit ko marinig sa short-wave radio. Ngayon, hindi ako makapaniwala ako ay lubusang nasiyahan sa bagong karanasan na ito.

Nang ako ay sumali sa Guangxi Knowledge Contest nakalagay sa aking kasagutan na ito ay isang oportunidad na ipromote ang Guangxi at ibig ko na maging isang aktibong myembro upang maimbitahan ang mga tao na bumisita din sa Guangxi upang Makita nila ang mga ibat-ibang oportunidad na naghihintay sa kanila sa isang nakakabihaning lugar ng China. At ngayon na andito na ako, umaapaw ang aking kasiyahan na maipahayag ko na isa akong buhay na saksi sa ganda ng China.

Ngunit naniniwala ako na ang knowledge contest na ito ay hindi lamang nagppromote ng Guangxi pati na rin sa China at sa relasyon ng buong Sino-Filipino din. Ang pagkakaibigan ng Pilipinas at China hanggang noonng panahon pa ng mga Kastila o sa panahon pa ng sinaunang Chinese Dynasties ay kailngang lalo pang patatagin at ang China Radio International ay nakibahagi sa kasiguraduhang maipapatupad ito sa pamamagitan ng kanilang mga programa at mga paligasahan tulad ng Guangxi Knowledge Contest.

Ako ay nagagalak na maging isang myembro at kapamilya ng CRI's Filipino Service at maging isa sa maraming mga kaibigan ng China sa bawat sulok ng mundo.

Muli, Maraming salamat sa China Radio International at sa Guangxi Municipality dahil sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon na makarating sa China. Alam ko na marami itong pabaong mga masasayang alaala pagkatapos ng aming paglalakbay sa China.

Maraming salamat at MABUHAY!

Jonah Domingo
Metro Manila
Philippines