• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-12-23 10:55:02    
Magmasid sa konstruksyon ng CAFTA sa pamamagitan ng pagbabago ng pamilihan ng prutas

CRI
May dalang maraming munting alaala pauwi si Hu Bin mula sa kanyang paglalakbay sa Rehiyong Awtonomo ng Guangxi sa timog-kanlurang Tsina. Napansin ng mga kaibigan at kamag-anak niya na ang mga alaalang iyon ay may magandang pakete at desenyo at saka masarap tikman. Nguni't ang mga iyon ay hindi produktong katutubo ng Guangxi kundi galing sa mga bansa ng Timog-Silangang Asia na tulad ng Thailand, Biyetnam at Pilipinas. Sabi ni Hu na palagi siyang nagbi-business trip sa Guangxi at halos lahat ng mga natatanging katutubong protukto ng pagkain ay natikman na ng mga kaibigan at kamag-anak niya. Upang mabigyan sila ng sopresa nag-uwi siya sa paglalakbay na ito ng mga espesyal na produktong katutubong pagkain na gawa ng mga kapitbansa ng Tsina. Maganda talaga ang palamuti sa balutan o pakete at saka hindi mahal ang mga ito, kaya nag-uwi siya para ipasalubong sa mga kaibigan at kamag-anak. Nang matanggap ng mga kaibigan niya ang mga regalong ito, tuwang-tuwa silang lahat. Sabi ni Yu, isa sa mga kaibigan na,

"Hindi ko kailanman naisip na ang mga produktong ito ay ititinda kasama ng mga produktong yari sa lokalidad sa mga super market, ang akala ko, ang mga ito ay makikita lamang sa mga espesiyal na tindahan at siyempre, mas mahal at hindi ito bibilihin ng mga karaniwang tao na tulad ko. Ngayon, ang mga ito ay mabiling mabili saan mang dako ng Guangxi. Natitiyak ko na available na rin ang mga ito sa Beijing."

Bakit mabiling-mabili sa Tsina ang mga prutas at produkto na mula sa Timog-silangang Asya? Ito ay isa sa mga bunga ng pag-unlad ng kooperasyon ng Tsina at Asean sa kabuhayan at kalakalan.

Napag-alamang sapul noong unang araw ng Oktubre ng taong 2003, batay sa early harvest program ng kasunduan ng komprehensibong kooperasyong pangkabuhayan ng Tsina at Asean, sinimulan nang patawan ng zero tariff ang mga inaangkat na prutas at gulay ng Tsina at Thailand sa magkabilang bansa. Sapul noong unang araw ng Enero ng taong 2004, nagsimula nang bawasan ng Tsina ang taripa sa 560 uri ng produktong agrikultural ng Asean; sapul noong ika-3 ng Hunyo ng taong nakalipas, lumagda ang Tsina at Singapore sa kasunduan at pinalawak ang zero tariff sa tatlong bansa ng Tsina, Thailand at Singapore. Sapul noong unang araw ng Enero ng taong ito, batay sa kasunduan, isinagawa ang zero tariff sa pagaangkat at pagluluwas ng mga prutas ng Tsina at Malaysiya, Indonesya, Myanmar at Brunei. Sa kasalukuyan, lumagda na ang Tsina sa hakbangin ng zero tariff sa pag-aangkat at pagluluwas ng prutas at gulay nila ng anim na bansa ng Asean.

Ang kalakalan ay nakatutugon sa pangangailangan at ang pangangailangan ay nagpapasulong ng kalakalan. Batay sa mabilis na pag-unlad ng kooperasyong Sino-Asean nitong nagdaang ilang taon, mas maraming prutas mula sa Timog-silangang Asya ang pumasok sa pamilihan ng Tsina at nakinabang nang malaki ang mga mamamayan, at kumita nang higit na malaki ang mga mangangalakal. Lalong-lalo sa mga lugar na tulad ng Guangxi na malapit sa mga bansa ng Asean, makikita sa kanilang pamilihan ang mas maraming prutas at produkto nito na galing sa Asean at bilang karagdagan, ang Caexpo na idinaraos taun-taon ay nagbigay din ng pagkakataon sa mga bahay-kalakal at mga mangangalakal ng Tsina at Asean para pumasok sa transaksyon ng bentahan ng mga prutas at iba pang produkto.

Sa panahon ng kasagsagan ng ekspo noong buwang nakalipas, ang mamamahayag ng CRI ay nagtungo sa Guangxi para bisitahin ang mga mangangalakal na galing sa iba't ibang bansa ng Timog Silangang Asia. Kasama ako sa grupo at natuklasan ko ang isang penomena: ang mga mangangalakal na gailing sa Timog Silangang Asiya ay nag-uunahan sa pagpapapromote ng kani-kanilang katutubong prutas at mga produkto ng prutas na gaya ng longan at katas ng kasoy na dala ng mga mangangalakal na Thai, at iyong galing sa Pilipinas naman ay mga pinatuyong mangga at saging at mantika na mula sa niyog at iba pa. Talagang napakaraming iba't ibang produkto na nakatawag ng pansin ng mga mamimili. May mga nag-iimbita pa sa mga mamimili para tikman ang kanilang mga prutas at processed pruducts. Maging Si Zorayda Amelia C. Alonzo, pangalawang kalihim ng komeryo at industriya ng Pilipinas ay hindi nagpahuli at nakipag-unahan din sa pagpapapromote ng mga mangga ng Pilipinas,

"Ang laki talaga ! Ang apat na mangga ay tumitimbang ng isang kilogram. Iyung pinakamalaki ay tumitimbang ng kalahatiling kilo. Masasabing, ang aming mangga ang pinakamalaki sa buong daigdig."

Dahil sa kalagayang heograpikal, nagkokomplement nang lubos ang kalakalan ng prutas ng Tsina at iba't ibang bansa ng Asean, maganda ang prospekt ng pamilihan ng mga tropic fruits na gaya ng duryan at longan ng Thailand, saging ng Pilipinas at iba pa. May mataas na kalidad din naman ang mga prutas ng Tsina na gaya ng mansanas at peras ng Beijing at Xi'an, ang peras ng Xinjiang, ang dalanghita ng Chengdu at Chongqing, at ang ganitong prutas ay tinatanggap ng mga mamamayan ng mga bansa ng Timog-silangang Asya.

Pagkatapos ng pagsasagawa ng zero tariff, patuloy na matatag na sumusulong ang kalakalan ng prutas sa pagitan ng Tsina at ASEAN. Noong unang dalawang buwan ng taong ito, nagluwas ang Tsina sa ASEAN ng mga 234 libong tonelada na prutas na nakakahalaga ng 75.96 na milyong dolyares. Inaangkat rin ng Tsina mula sa ASEAN ang 131 libong tonelasa na prutas na nagkakahalaga ng 50.94 na milyong dolyares. Malaki ang bahagdan ng paglaki ng kanilang pag-aangkat at pagluluwas kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon.

Ang pagsasagawa ng zero tariff sa mga produkto ng prutas at gulay ay isang bahagi lamang ng pagpapaunlad ng konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at Asean. Noong Hulyo ng taong ito, nagbigay ang Tsina at Asean ng preperensiyal na taripa sa mga 7000 produkto ng isa't isa, ang mga kalakal ng magkabilang panig ay pinatawan ng taripa ayon sa tariff rate ng mga sona ng malayang kalakalan. Sa taong 2010, bababa hanggang zero ang taripang ipapataw sa karamihan sa mga kalakal ng dalawang panig at ito'y palatandaan ng pagpasok ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at Asean sa isang komprehensibo at substansiyal na yugto ng pagsasagawa.

Kaugnay ng papel ng nabanggit na pagpapababa ng taripa, lubos na pinahahalagahan ito ni Chen Zhengrong, pangalawang puno ng international liaison ng Samahan ng Tsina sa pagpapasulong ng kalakalan. Sinabi niya,

"Ang pagpapababa ng taripa ay isang hamon sa iba't ibang panig, ngunit, nagkakaloob naman ito ng malaking espasyo sa lalo pang pagpapaunlad ng kanilang kooperasyon. Sa hinaharap, tiyak na mag-iibayo pa ang kalakalan sa pagitan ng Tsina at ASEAN."