• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-12-26 14:39:46    
Disyembre ika-18 hanggang ika-24

CRI

Nakipagtagpo noong Martes at Miyerkules sa Beijing sina premyer Wen Jiabao at tagapangulo Wu Bangguo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina kay Samane Viyaketh, dumadalaw na tagapangulo ng parliamento ng Laos. Sa pagtatagpo, binigyan ni Wen ng mataas na pagtasa ang natamong tagumpay ng Laos sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan. Sinabi rin niya na laging pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyon sa Laos at nakahandang walang humpay na pasulungin ang relasyon ng dalawang bansa sa mataas na antas. Ipinahayag din ni Wu na nakahanda ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng Laos, para walang humpay na mapasulong ang komprehensibong relasyong pangkooperasyon ng dalawang bansa. Ipinahayag naman ng Samane na nakahanda ang parliamento ng Laos na patuloy na magsikap para mapahigpit ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at mapalalim ang relasyon ng dalawang bansa. Pinasalamatan din niya ang maraming tulong ng Tsina sa Laos at sinabi niya na pag-aaralan ng kanyang bansa ang karanasan ng Tsina sa reporma, pagbubukas sa labas at pagtatatag ng demokratikong sistemang legal.

Opisiyal na itinayo noong Martes sa Ha Noi, kabisera ng Biyetnam ang China-ASEAN Research Centre, Lumahok sa seremonya ng pagtatayo ang mahigit 100 taong kinabibilangan ng mga sugong diplomatiko ng Tsina at mga bansang ASEAN sa Biyetnam, dalubhasa, iskolar at iba pa. Ayon sa ulat, ang pagtatayo ng nasabing research centre ay naglalayong tuparin ang komng palagay na narating ng mga lider ng Tsina at ASEAN, at makapagkaloob ng platporma ng diyalogo para sa mga dalubhasa at iskolar ng Tsina at ASEAN. Sa kaniyang talumpati sa seremonya, ipinahayag ni Qi Jianguo, embahador ng Tsina sa Biyetnam na aktibong kinakatigan ng kaniyang bansa ang pagtatayo ng research centre na ito, at umaasa rin siyang maidaraos ang iba't ibang aktibidad para lalo pang mapahigpit ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan ng dalawang panig, at mapalalim ang estratehikong partnership ng Tsina't ASEAN. Pagkaraan nito, binuksan din sa Ha Noi ang simposyum hinggil sa pag-unlad ng Tsina at prospek ng pagtutulungan ng Tsina't ASEAN, buong pagkakaisang ipinalalgay ng mga dalubhasa at iskolar ng Tsina at ASEAN na ang mabilis na pag-unlad ng kabuhayang Tsino ay lilikha ng mas maraming pagkakataon para sa mabilis na pag-unlad ng 10 bansang ASEAN.

Maringal na idinaos noong araw ng Linggo sa Bangkok ang isang bangkete bilang pagdiriwang sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Thailand at Tsina. Ang nasabing bangkete ay magkakasamang itinaguyod ng samahan ng pagkakaibigan ng Thailand at Tsina, samahan ng pagkakaibigan ng Tisna't Thailand at Chinese People's Association for Friendship with Foreign Countries. Ang mga dating mahalagang opisiyal ng pamahalaan at mapagkaibigang personahe ng Thailand, mga diplomatikong tauhan at ang halos 1 libong overseas Chinese ang lumahok sa nasabing hapunan. Sa kaniyang talumpati rito, ipinahayag ni Chen Haosu, puno ng Samahan sa pakikipagkaibigan sa labas ng mga mamamayang Tsino, na mahaba ang kasaysayan ng pagkakaibigan ng dalawang bansa, at umaasa siyang maipagpapatuloy ng dalawang bansa ang pagtutulungan sa iba't ibang aspekto sa hinaharap para makapagkamit ng mas malaking bunga sa pag-unlad ng bilateral na relasyon.

       

Sa Phnom Penh, kabisera ng Cambodia. Ipinahayag dito noong Lunes ni tagapangulong Norodom Ranarith ng Pambansang Asemblea ng Cambodia na dapat puspusang palakasin ng kanyang bansa ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa Tsina sa larangan ng kultura para mapasulong ang komprehensibong pag-unlad ng tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa. Winika ito ni prince Ranarith nang makipagtagpo siya sa dumadalaw na delegasyon ng mga kilalang pintor ng Tsina. Sinabi niyang ang pagpapalitan at pagtutulungan sa kultura ay isang mahalagang bahagi ng relasyong Sino-Kambodyano. Umasa anya siyang makapaglalahad ng maraming bagay ang mga pintor na Tsino hinggil sa Cambodia sa kanilang mga kababayan para mapasulong ang komprehensibong pag-unlad ng tradisyonal at pangkaibigang relasyong pangkooperasyon ng dalawang bansa.

Aktibong pinasusulong ng Lalawigan ng Yunnan ng Tsina ang transnasyonal na aktibidad nila ng Vietnam at Laos hinggil sa regional bio-diversity protection at nagkamit na sila ng substansyal na progreso sa aspekto ng pagsasanay ng katauhan, pagpigil sa sunog sa purok-hanggahan, pangangalaga sa mga elepanteng Asyano at iba pa. Ayon sa Departmento ng Panggugubat ng Lalawigan ng Yunnan, sa kasalukuyan, narating nila ng Vietnam at Laos ang intensyon hinggil sa mga kooperasyon sa aspekto ng pagsasanay ng katauhan, siyentipikong paglalakbay-suri at pananaliksik at magkakaloob ang lalawigang ito, kasama ng mga may kinalamang organisasyong pandaigdig, ng tulong sa mga bio-diversity protection projects ng Vietnam at Laos.