• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-12-26 14:49:36    
Tagapakinig: Salamat sa Gabi ng Musika

CRI
Ngayon, bibigyang-daan natin ang mga liham na padala nina Chato Cunanan ng BF Homes, Paranaque at Olivia del Sol ng Novaliches Quezon City.

Sabi ni Chato (Cunanan) sa kaniyang liham...

Dear Kuya Ramon,

Sabi mo susulatan mo ako. Hintay ako nang hintay wala naman. Hindi mo na siguro maisip ang pangalan ko sa dami ng mga sumusulat sa iyo. Pero yan ang hindi mangyayari sa akin. Mananatili ka sa isip ko habang panahon.

Hindi na ako nakakatanggap ng Messenger pero tuloy parin ang Beijing Review at Beijing Pictorial. Iyon pala, baka puwedeng singitan mo na lang ng sulat ang mga magazines.

Last month nakatanggap ako ng native bag mula sa iyo. Dinala ng isang Pilipinong umuwi. Maganda, kuya. Maraming nagka-crush. Nakatanggap dinako ng malaking panyo. Puwedeng bandana. Crush ko rin ang design. Oriental ang dating sa akin. Nakikinig ako sa Cooking Show mo pero minsan nami-miss ko. Mas maigi kung may definite schedule. Para talagang hindi ko makaligtaan. Sana last Fridays ang piliin niyong schedule. Ganoon din naman iyong Dear Seksiyong Filipino at Alam Ba Ninyo. Sana maiwasan din ninyo ang pagpi-pre-empt ng programs. Nakaka-disappoint iyun sa mga nakikinig lalo na kung luma na ang gagamiting pamalit.

Teka, bakit parang hindi ko na naririnig ang "Best Letter of the Month", Guessing Game lang? Iyun pa naman ang tinatarget ko kasi hindi paako nananalo dun. May nabasa ka nang sulat ko pero hindi ito nanalong best letter.

May mga ipinagbibili ditto ngayong souvenir items na tulad ng mga ipinadadala minyo kaso ang mamahal. Ganun kaya talaga ang halaga ng mga iyun? Iyung saranggola umaabot ng 100 pesos. May 200 pa nga, eh.

Kuya, lagi mong pag-iingatan ang sarili mo. Ipinagdadasal kita araw-araw kasi mabait ka sa akin.

Sige, kuya, sa susunod na lang uli natin ituloy ang kuwentuhan.

Luv ya,
Chato Cunanan
BF Homes Subd.
Paranaque City
Philippines

Maraming-maraming salamat Chato sa pag-uukol mo ng panahon sa amin. Sana hindi ka madala. Iyong tungkol sa aming Best Letter Of The Month, magbabalik iyon sa oras na makakita kami ng sponsor, ok? Thank you once again, Chato.

Ngayon tunghayan naman natin ang liham ni Olivia del Sol ng Novaliches, Quezon City.

Sabi ng kaniyang liham...

Dear Kuya Ramon,

Salamat sa Gabi ng Musika, nakakatulog ako nang maaga. Sana mas mahaba pa para mas mahaba rin ang tulog ko. Bagay pala sa iyo ang panggabing DJ. Marami kang mapapatulog. Alam mo naman, maraming insomniac ngayon. By the way, salamat sa birthday card na padala mo. Very thoughtful ka talaga. Libu-libo ang mga tagahanga mo pero natatandaan mo lahat ang birthdays nila. How do you do that? O baka naman ang sa akin lang ang naaalala mo? Biro lang… pinatatawa lang kita. Kung tungkulin mo bilang broadcaster na libangin kami, tungkulin naman naming bilang listeners na pasayahin ka. Kuya, iyong music program mo kung Saturday and Sunday paborito ko na rin kasama ng Dear Seksiyong Filipino at Cooking Show. Hindi ba sabi ko sa inyo noon ang paborito ko ay Dear Seksiyong Filipino pero noong simulan mo ang Cooking Show nagging paborito ko rin ito. Ngayon pati Music Program na rin. Sana manalo ako sa inyong mga knowledge contest para makapunta ako diyan nang libre tulad ng ibang listeners. Gusto kong Makita ang China at ikaw. Alam mo marami na rin akong natanggap na items mula sa iyo kaya kapag ginagamit ko ang kahit alin sa mga items na ito sumasagi ka sa alaala ko. Wait, hindi ba parang corny any dating? Sana kuya lagi kang naka-smile. Kasi parang gloomy ang voice mo, madalas. Sige, kuya Mon, baka mahaba na ito. Bye!

Sweet kisses,
Olivia (del Sol)
Camarin, Novaliches
Quezon City, Phils.

Thank you so much Olivia sa napakaganda mong sulat. Sana maging regular ang pagsulat mo sa amin. Kailangan naming ang tagapakinig na katulad mo. Salamat uli, Olivia. Take care...