• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2005-12-29 10:37:18    
Liham ni Crystal Santos

CRI
Dear Kuya Ramon:

Sana masaya, makulay, bongga at memorable ang Pasko mo.

Alam mo Kuya hindi kami puwedeng magpa-bongga kasi austerity. Alam mo na...

Hindi ito nangangahulugan na hindi tuloy ang Pasko ko. Sinasagot ko na ang tanong mo. Kahit hindi bongga tuloy din ang Pasko ko. Mahirap pa nga kung bongga kasi parang nagse-celebrate tayo ng birthday natin at hindi ng kay Juses. Kaya kung sasagutin ko ang tanong mo, tuloy na tuloy ang Pasko ko. Wala man akong bagong damit, meron naman akong bagong pag-asa; hindi masarap ang aming handa pero masarap naman ang aking pakiramdam at wala man sa piling ko ang aking mga kaibigan, kapiling ko naman si Christ. Tuloy na tuloy ang Pasko ko.

Sa kahulugan naman ng Pasko, para sa akin, ang Pasko ay pagbibilang ng ating mga tinanggap na biyaya at pag-ala-ala sa ating pagkukulang sa ating kapuwa at sa Panginoon. Kasabay ito ng ating pagsasaya sa pagsilang ng Panginoon. Ang pamamasyal, pagpa-party, pagliliwaliw, pagkain ng puto bungbong at bibingka at kung ano-ano pa ay tradisyon laman. Wala sa mga iyan ang tunay na diwa ng Pasko.

Magustuhan mo kaya itong sagot ko? Iyan ay sariling opinion ko lang naman. Ang wish ko sana magkaroon lahat ang mga kababayan natin sa abroad ng chance na mai-celebrate ang Christmas kahit na sa pinakasimpleng paraan na magasawa nila.

Sige, Kuya, naubusan na ako ng sasabihin.

Merry X'mas

Crystal Santos

Barangay Duquit

Mabalacat, Pampanga