Ang kauna-unahang China-Asean Expo o Caexpo na nagsisiling maringal na pagtitipun-tipon ng mga bahay-kalakal mula sa Tsina at mga bansang Asean ay idinaraos ngayon sa Nanning, kapital na lungsod ng Rehiyong Awtonomo ng Zhuang Nationality ng Guangxi. Bilang bahagi ng Caexpo, binuksan din dito kahapon ng hapon ang kauna-unahang China-Asean Business and Investment Summit, isang mekanismo para mapasulong ang pagtatatag ng China-Asean Free Trade Area ayon sa iskedyul. Nilahukan ito ng mga lider at ministrong pangkalakalan ng Tsina at Asean. Nagsipahayag sila ng kani-kanilang palagay hinggil sa kung papaano pasusulungin ang pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan at papaanong isasakatuparan ang komong pag-unlad.
Si Tomas Aquino, Pangalawang Kalihim ng Kalakalan at Industriya ng Pilipinas ay sa ngalan ng delegasyong Pilipino, nagpahayag din ng hangaring samantalahin ng Pilipinas ang Caexpo para mapahigpit ang pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas.
"We see the Philippine participation to CAEXPO as a window of opportunity for both countries together with the rest of the ASEAN to mutually benefit from a common trade platform."
Una sa lahat, isinalaysay ni Aquino ang relasyong pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas, lalong lalo na binanggit niya ang natamong bunga ng pagdalaw sa Tsina ni Pangulong GMA ng Pilipinas noong nagdaang Setyembre. Sinabi niyang sa nasabing pagdalaw ni Pangulong Arroyo, narating nila ng Tsina ang 4 na kasunduang pangkalakalan at 2 kasunduang pangkalakalan at isang kasunduan hinggil sa credit facility, bagay na nagpapahiwatig na palalamin pa ang relasyong pangkabuhayan ng Tsina at Pilipinas.
Isinalaysay din niyang, ayon sa estadistika, noong unang 6 na buwan ng taong ito, ang Tsina ay naging ika-6 na partner na pangkalakalan ng Pilipinas. Nagsilbi rin itong ika-8 na pamilihan ng pagluluwas ng Pilipinas at ika-6 na import supplier ng Pilipinas.
Hinggil dito, muling ipinahayag niya ang kanyang hangarin:
"China, is one of the Philippines' biggest trading partners and we look forward to continuing this successful economic relation that we have with china."
Ang top exports ng Pilipinas sa Tsina ay kinabibilangan semiconductor devices, storage units, piyesa ng automatic data processing machines at copper cathodes.
Pinananabikan ng Pilipinas ang malaking potensyal ng pagluluwas sa Tsina ng mga coco by-products, building materials, pagkain na kinabibilangan ng banana chips, sariwang mangga, marine products, seaweeds at iba pa.
Umaasa rin ang Pilipinas na maitatag, kasama ng panig Tsino, ang mga joint ventures na may kinalaman sa pinag. Bukod dito, winiwelkam din ang pakikipagtulungan sa Tsina sa larangan ng automobile at motor vehicle, agrikultura, IT, pinagkukunang-yaman, electronic manufacturing, architectural design, construction at iba pa.
Sinabi ni Pangalawang Kalihim Aquino na kasabay ng palalapit na ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko sa pagitan ng Tsina at Pilipinas at ng palalapit na pagpapasimula ng proseso ng pagtatatag ng China-Asean Free Trade Area, pinananabikan ng Pilipinas ang isang masiglang pakikipagpalitang pangkalakalan at pampamumuhunan sa Tsina.
"As the China-Asean FTA becomes a reality through CAEXPO, the Philippines joins other ASEAN countries in exploring new business ventures with China and advancing trade and investment exchanges between China-Asean and the rest of the world."
|