Walang nakakaalam kung gaano talaga karami ang mga apelyido sa malaking populasyon ng Tsina. 300-3000 ang nasa roster na natuklasan sa mga sinaunang dokumentong Tsino. Ipinalalagay ng karamihan ng mga dalubhasa sa larangang ito na umaabot sa mga 500 ang bilang ng mga pinakakaraniwang apelyido ng mga Han Chinese.
Ang mga apelyidong Tsino ay pinaniniwalaang lumitaw sa matriarchal society noong panahong wala pang kasaysayan. Pinatutunayan ang teoryang ito ng Chinese character para sa apelyidong "Xing". Ang karakter na ito ay ang pagsasama-sama ng dalawa pang karakter: "Nv" at "Sheng", na nangangahulugan ng born of woman o galing sa panig ng ina.
Bihirang bihirang lumampas sa tatlong karakter ang isang modernong pangalan ng Han Chinese--ang unang karakter ay ang apelyido, at ang ikalawa at ikatlo ay bumubuo ng isang may konotasyong given name. Iba ito sa paraan ng pagbuo ng mga sinaunang pangalang Tsino. Karaniwang kinabibilangan ang isang sinaunang pangalang Tsino ng apat na bahagi: una ang apelyido, na sinusundan ng given name, alyas at pagkatapos iyong tinatawag na "style". Halimbawa nito ang pangalang "Confucious". Ang apelyido niya sa wikang Tsino ay "Kong". Ang kanyang given name ay "Qiu" na nangangahulugan ng burol. Ang alyas niya ay "Zhong Ni". Ang "Zhong" ay nangangahulugan ng "ikalawang anak na lalaki ng isang pamilya" at ang "Ni" naman ay nanggaling sa pangalan ng burol kung saan ipinagdasal ng kanyang mga magulang ang pagsilang niya. At marami siyang "styles", at ang karamihan ng mga ito ay ipinagkaloob sa kanya pagkamatay niya.
Sa sinaunang Tsina, nakilala ang isang tao ayon sa hindi lamang kanyang given name o kasunod na alyas, kundi pa rin sa style. Kahit na hindi napipili ng isang tao ang kanyang apelyido o given name, napipili niya ang kanyang aliyas at "style". Ayon sa kaugalian noong panahong iyon, pinipili ng mga tao ang kanilang alyas pagsapit nila sa hustong gulang. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag sa iba na pumasok na sila sa isang bagong yugto ng buhay at sila ay nasa tamang gulang na at patungo sa kani-kanilang goals. Ina-address ng mga tao ang isa't isa nang ayon sa alyas bilang pagpapakita ng paggalang.
Maaaring hindi ka pamilya sa terminong "style" sa pangalang Tsino. Ginagamit ito noon upang ipakilala ang isang tribal society. Pero noong bandang huli, ito ay naging isang titulong pandangal na ipinagkakaloob sa mga matapang na punong militar o sa mga maharlika. Unti-unti, sinimulang gamitin ang designasyon ng mga style sa mas malawak na saklaw. Ang isang klase ng "style" ay kilala bilang "style na nakamtan pagkamatay" o "Posthumous Style"--ginagamit ito para parangalan ang isang emperador, duke o prinsipe pagkamatay nito.
Marahil nahuhulaan ninyo na madalas gumagamit ang mga posthumous style na ito ng "inflated vocabulary" upang papurihan ang namumunong klase. Gamitin uli nating halimbawa si Confucious. Mayroon siyang mahigit sa 10 ganitong pandangal na titulo o "styles". Sa kahabaan ng kasaysayang Tsino, binigyan na siya ng ganitong mga titulo na tulad ng "Kataas-taasang tagapayo" at "Banal na maestro ng kaluwalhatian". Sa kasalukuyan, makakadalaw kayo sa Confucious Temple sa pook na pinanganakan niya, ang bayan ng Qufu sa Shandong province sa Silangang Tsina. Doon makikita ninyo ang isang mahabang listahan ng mga papuring style o titulo. Ang bawa't isa ay mukhang mas maringal kaysa sa sinusundan nito. At sa wakas, makikita ninyo ang pangalang kinikilala ng mga taong kasalukuyan, basta ang "Confucious" o "Kong Zi" sa wikang Tsino. Ang Kong ay apelyido niya at ang "Zi" naman ay isang sinaunang titulong pandangal para sa isang marunong o mabait na lalaki.
|