Bibigyang-daan natin sa himpapawid ang tinig sa ibayong-dagat ni Noel Ybanes, bagong tagapakinig; mensaheng SMS ng ating textmates mula sa Maynila; at liham mula sa tagapakinig na seaman, si Buddy Boy Basilio. Hoy, Buddy Boy! Ano, kumusta na?
Alam niyo, kausap ko kagabi lang si Noel Ybanes. May pagka-mahiyain pala ito. Noong una, ayaw pang ipasahimpapawid ang boses niya. Mabuti na lang nakumbinsi ko.
Sabi ni Noel, bihira daw sa mga istasyon ng radyo na nagbobrodkas sa short-wave ang labis na nagpapahalaga sa kanilang mga tagapakinig na tulad ng Serbisyo Filipino. Ang Serbisyo Filipino daw ay nakakapagbigay-aliw sa Overseas Filipino Workers sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kanila sa telepono on-the-air. Nailalabas aniya ng OFW's na ito ang kanilang mga sama ng loob at hinaing at naiibsan ang kanilang kalungkutan...
Sabi niya hindi raw kataka-taka kung magkaroon ng malaking following ang aming Cooking Show lalo na sa mga kababayan na nangangamuhan sa Hongkong dahil ang mga employer nila ay mga Chinese rin naman datapuwa't hindi taga-mainland at siyempre tiyak na kalulugdan nila ang pagkaing-mainland na walang kasingsarap...
Sa huling bahagi ng aming pag-uusap, binati ni Noel ang aming serbisyo sa matagumpay nitong inter-active program at Cooking Show kasabay ng pagbati niya sa lahat ng mga kababayang nakikinig sa apat na sulok ng daigdig...
At iyan ang long-distance voice ni Noel Ybanes, isang bagong tagapakinig mula sa Maynila. Mula pa rin sa Maynila, narito naman ang mga mensahe ng ating textmates...
Mula sa 919 201 3340, Good Health, Godspeed sa Pinoy Service! Mula sa 920 415 5236, Congrate sa Cooking Show! At mula naman sa 917 915 6635, More Power and Take Care!
Oras na naman para sa pagbabasa ng liham ng tagapakinig dito sa Dear Seksiyong Filipino. Ang liham na bibigyang-daan natin ngayong gabi ay padala ni Buddy Boy Basilio ng M/V Aldavaran, Singapore.
Sabi ng kaniyang liham...
Sa Lahat ng mga Kaibigan sa Seksiyong Filipino:
Isang maingay, maalon at maugoy na bati mula sa inyong kaibigan sa M/V Aldavaran. Hindi lang ako ang bumabati. Maging ang mga chiefmates, radio officer at kapitan ay bumabati rin sa inyong lahat. Huwag ninyong memenosin ang M/V Aldavaran. Lahat dito ay naka-angkla sa inyo. Siyempre ang paborito ng lahat ay Dear Seksiyong Filipino. Dito kasi naming naririnig ang mga sulat ng mga Pinoy kasama na ako. Daig pa ang alon kung magtalunan pagnarinig na ang pangalang Buddy Boy sa malamig na boses ni Ramon Jr. Kagabi lang iyong T-shirt na padala ninyo na may malaking mascara suut-suot ko habang nagtotong-its kami.
Nagkaroon ng appeal sa amin ang delivery ninyo ng dambuhalang istatuwa ng Buddha na kasintaas ng 20-floor building. In other words, ang isatatuwang ito ay maaring ihanay natin sa mga high-rise buildings na nakikita sa mga financial zones ng iba't ibang bansa. Sabi niyo kasya ang isang daang tao sa isang paa lang ng Buddha. Aba, talagang higante nga. Talagang nakaka-intriga kaya naman nagkakayayaan kami rito na mag-group tour diyan sa Tsina para Makita namin ang Buddha na iyan.
Kuwelang-kuwela rin ang pagbibiro ni Ramon Jr. sa air at ang ilan sa mga nagustuhan ko sa programa niya ay ang tungkol kay Pearl S. Buck na matagal ding naninrahan sa Tsina kaya ang mga nobela niya ay Tsinang-Tsina ang dating.
Marami ring ipinakilala si Ramon Jr. na mga foreigners na kung hindi nag-aaral ay nagtatrabaho diyan sa Tsina. Ang mga foreigners namang ito ang nagpakilala sa amin sa iba't ibang lugar ng Tsina.
Lagi kaming nakikinig sa inyo tuwing 7:30 ng gabi sa 11.700 MgHz at ang inyong signal ay malinaw din naming natatanggap sa pamamagitan ng radyo na bigay din ninyo.
Maraming salamat at babayouuuuuuuuuuuu!
More power, Buddy Boy Basilio M/V Aldavaran Singgapore
Thank you so much Buddy Boy. Alam mo gusto kitang makapanayam sa himpapawid by phone. Kaya kung may chance ka tumawag ka sa akin para ma-schedule natin, okay? Thank you once again.
|