• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-01-02 20:37:13    
Maalamat na lunsod ng Ningbo

CRI

Ang Ningbo, bilang isa sa mga kauna-unahang lunsod na hinirang na "pinakamarusay na lunsod ng turista" ay isang lugar na karapat-dapat na bisitahin.

Ang Mount Xuedou, na kilala sa tawag na "unang bundok ng siming", na metro ang taas mula sa lebel ng dagat ay matatagpuan naman sa gawing silanganng Siming Mountain na 8 kilometro ang layo mula sa silangang kanluran ng Xikou Town ng Ningbo. Ang Mount Xuedou ay kilala sa kaakit-akit na tanawing nito, na binubuo ng mga sibol at kagubatan. Ang magagandang tanawing dito ay kinabibilangan ng Sanyin Pool, Qianzhang Cliff na may mga talon, ng Flying Snow Pavilion, Miao Terrace at Xuedou Temple.

Ang turismo ay isang bagong haligi ng industriya ng Ningbo. Itinataguyod ngayon ng lunsod ang isang serye ng mga ruta ng paglalakbay upang makaakit ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.

Mayroon nang 11 ruta na kinabibilangan ng pagliliwaliw sa oriental harbor, pagbisita sa Hemudu Cultural Ruins at sa mga maharlikang tananan. Pagsulyap sa mga may kilalang tatak na produkto, Buddhist pilgrimage, landscape tour at island tour. Ang mga kilalang tanawin sa Ningbo ay kinabibilangan ng Dongqian Lake, Songlan Mountain, Beilun Harbor, Ningbo Development Zone, Tiantong Temple, at Asoka Temple. Kilala rin ang Ningbo sa mga kasuutan at ang shopping tour ay maaaring isaayos ng China National Tourism Administration.

Napakakambintenye ng transportasyon sa Ningbo. May mga direct flight patungong Ningbo mula Beijing, Guangzhou, Jilin, Baotou, Shanghai at Hangzhou. Makapaglalakbay din sa train patungo sa mga mahahalagang lunsod at sa Wuyi Mountain.

Mula Ningbo Airport, konektado ng 31 air route ang lunsod sa iba pang mahahalagang lunsod sa Tsina, gayun din sa Hong Kong at Macao. Kapag binuksan na sa trapiko ang ginagawang Shanghai-Hangzhou-Ningbo Expressway, 3 oras na lamang ang tatakbuhin mula Ningbo hanggang Shanghai.

Ang Ningbo ay may mahigit 50 hotel na panturistana kumpleto sa kasangkapan.

Ang pastry na estilong Ningbo ay isa sa 12 kilalang klase ng pastry sa Tsina. Ito ay katangi-tangi sa seleksyon ng material, nutrisyon, paraan ng pagpoproseso at hugis. Mayroon itong 10 barayti na kinabibilangan ng mga cake at pancake. Ang pinatuyong mussel ay masarap at masustansiya. Pinakukuluan muna ang mga sariwang mussel atsaka sasahugan ng labanos. Ito'y isang "tribute item" para sa korteng imperial noong panahon ng Tang Dynasty (618-907).

Isang tradisyonal na handicraft sa Ningbo ang Gilder Wood Sculpture. Iba't ibang paraan ng pag-uukiy na kinabibilangan ng alsado at pabilog na pag-uukit ang ginagamit sa camphorwood, linden at gingko wood, na binabarnisan pagkatapos na nakinis at makulayan. Ang isakulturang kahoy naman ay simple pero eleganteng tingnan, na karamihan ay may mga disensyo ng kasal at lamat.