Mga humahalimuyak na sariwang bulaklak, grapewines, malumanay na musika ng piyano't biyolin, mga higante ng industriya, mga kilalang pulitiko, mga tanyag na personalidad mula sa telebisyon at pelikuka, mga kasangkapang Luis Vitton at marilag na nadedekorasyunang bulwagang kainan ng "five star hotel"...
Paglaruin ang inyong imahinasyon at pagsama-samahin sa inyong isip ang lahat ng mga elemento na bumubuo ng sunod sa modang istilo ng pamumuhay, marikit at romantiko man, halos lahat ay matatagpuan dito sa "cocktail party" na kaugnay ng pagpapalabas ng listahan ng kandidato ng 2005 "men of the year" ng HIS magazine.
Salamat sa magasing "HIS" sa paghahandog nito ng "stylish party" na ito.
Ano ang magasing ito? Si Li Bolun, tagatangkilik nito at chairman of the board ng CITIC Cultural and Sports Industry Co., Ltd ang sasagot ng ating katanungan.
"Sa kasalukuyang lipunan, nakakatawag ng pansin ang grupo ng mayayamang indibiduwal. Bukod sa kayamanang materiyal na naipundar ng grupong ito, interesado rin tayong malaman ang hinggil sa kanilang lifestyle. Dito sa 'background' at temang ito namin tinangkilik ang magasing ito. Sinimulan itong ilathala noong Abril ng kasalukuyang taon. Umaasa kaming mangunguna ang HIS magazine sa libangan at moda."
Tulad ng sinabi ni Chairman Li, ang "HIS" ay isang bagong silang na magasin. Ipinopokus nito ang pansin sa isang bagong puwersa sa lipunang Tsino, grupo ng pinakamayayaman, alalaong baga'y, "economic elite" na tinatawag ng mga sosyalista, bilang tugon sa "political elite" at "technical elite". Sa anumang panahon, ang "economic elite" ay nagsisilbing pangunahing puwersa na lumilikha ng kayamanang materyal. Isinilang ang grupong ito matapos maisagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas. Nitong mga 20 taong nakalipas, kasabay ng pagdami ng sariling ari-arian, unti-unting nabuo at lumalaki ang grupong ito. At nagiging kapansin-pansin ang lahat ng mga may kinalaman sa espesyal na grupong ito. Isinilang ang "HIS" sa ilalim ng gayong "historical background". Para mapatingkad ang layunin nitong "paggalang sa kayamanan at pangunguna sa moda", idinaos ng magasing "HIS" ang party na ito.
Narito ang paliwanag ni Ginang Shao Mianli, editor in chief at executive publisher ng magasin.
Nandito tayo ngayong gaibi para piliin ang "Men of the year" sa pag-asang makita ang mga indibiduwal na hindi lamang patuloy sa pagpupundar ng kayamanan para sa kanilang sarili at lipunang ginagalawan kundi ginagamit pa ang angking pagkamalikhain sa pang-araw-araw na pamumuhay at gayundin naman ang mga indibiduwal na ang istilo ng pamumuhay ay sunod na sunod sa pinakahuling moda samantalang nagtatamasa ng kayamanan.
Ang kayamanan ay nangangahulugan ng karunungan, katapangan at "creativity", samantalang ang moda naman ay nagpapakita ng "good taste", "individuality" at taos. Ang pagpili ng "Men of the Year" ng magasing "HIS" ay naglalayung hanapin ang mga personaheng may katangiang sunod sa moda at mayaman at nang sa gayo'y mapasulong ang optimistiko at inisyatibong istilo ng pamumuhay.
Ngayon, kung gusto ninyong malaman kung sinu-sino ang nasa listahan ng mga kandidato, pakinggan ninyo ito:
Oo, sila nga ang mga pangunahing personahe sa party na ito; mga personaheng kinabibilangan ng CEO ng "public website ng NASDAQ", ekspertong pinansyal ng "investment company", chairman of the board ng real-estate corporation, "senior consultant" ng Consulting company, telecommunication magnate, mass media tycoon at iba pa.
Kung medyo nababagot kayo sa kanilang figures at titles, maaari ninyo silang tukuyin sa mga titulong: "master of Chinese chess", "master of Weiqi or go", amateur golf star na lumilikha ng "hole-in-one" na rekord, amateur mountain-climber na umakyat sa Everest, explorer na lumakad patuwid sa gobi desert, may-ari ng isla at iba pa.
Maaring hindi natin matandaang lahat ang kanilang mga pangalan, ngunit, dapat natin silang pasalamatan dahil sa kayamanang nilikha nila para sa lipunan at nilikha nilang pagkakataon para sa ibang tao, at dapat natin igalang ang istilo ng kanilang pamumuhay--makulay at matingkad.
|