Noong huling dako ng 1950s, walang industrya ng paggawa ng kotse ang Tsina. Ang mga sasakyan ng mga lider Tsino ay puro yari sa dating Soviet Union. Pero, noong pagtatapos ng 1950s, napagpasiyhang dapat gumawa ang Tsina ng sarili nitong kotse. Sa gayon, isinilang ang made in China na Red Flag para maisakatuparan ang maringal na tungkuling ito.
Noong simula, may mga tanong hinggil sa kung dapat ipagkatiwala sa mga behikulong yari sa Tsina ang paghahatid ng mga VIPs, ngunit pagkatapos ng isang paligsahan kung saan tinalo ng Red Flag ang mga kotseng yari sa dating Soviet Union, naging numero unong sasakyan sa Tsina ang behikulong ito. Noong 1960s at 1970s, ang Red Flag Limousine ay nagsisilbing isang simbolo ng pambansang karangalan. At ang pagsakay sa isang Red Flag Limousine ay naging isang komong hangarin ng mga lider dayuhang dumalaw sa Tsina noong panahong iyon.
Sapul nang isagawa ng Tsina ang patakaran ng pagbubukas sa labas noong 1979, dumagsa na sa bansang ito ang mga kotseng dayuhan na ang karamihan ay mula sa Hapon. Ang Red Flag, na katulad ng maraming ibang mga tradisyong Tsino, ay kaagad na nawala sa "limelight". Pero ito ay hindi sa ano pa mang kadahilanan, maliban sa mechanical make-up nito. Mabigat ang Red Flag: 2.7 tonelada. Ang makina nito ay may walong sets ng balbula na mas malakas kumain ng gasalina kaysa sa isang magaang kotseng yari sa Hapon. Noong 1981, pagkaraan ng isang mahigit sa 20 taong marangyang career, nahinto ang produksyon ng Red Flag.
Gayunman, paminsan-minsang bumalik din naman ang bihikulong ito. Sa panahon ng isang inspeksyong militar ni Deng Xiaoping noong 1984, ang dakilang reformer na ito ay nakitang nakatayo sa isang walang bubong na Red Flag.
Kahit na nawawala na ang Red Flag sa mga highways at mga parkingan, tiyak namang di naepekthan ang magandang reputasyon nito. Nang dumalaw si Chancellor Helmut Kohl ng Alemanya sa Tsina noong 1993, maliwanag niyang ipinahayag na gusto niyang sumakay sa isang Red Flag. At nang lumisan siya ng Tsina, pinuri niya ito sa pagsasabing "isang napakaginhawang kotse ito".
Ngayon, sa tingin ng marami, isang karangalang makasakay sa isang Red Flag. Kung bumibisita sila sa Tsina, itinuturing din ng mga opisyal na Hapones na isang malaking karangalang maipagmaneho sa solido at maringal na sasakyang Red Flag. Mga 1500 Red Flag ang nai-prodyus noong kasikatan nito. Kalahati na lang nito ang natitira ngayon. Para sa mga kolektor ng antigong kotse sa mga bansa ng timog-silangang Asya, isang karangalang mailakip ang isang Red Flag sa koleksyon nila.
Noong 1939, inaprobahan ng konseho ng estado ng Tsina na iresume ang limitadong produksyon ng Red Flag. 20 kotse ang nagawa noong taong iyon at naibenta rin na parang hotcakes! Kahit na nakikita ngayon sa Tsina ang lahat ng mga luxury cars ng buong daigdig, itinuturing pa rin ang Red Flag na isang walang makadadaig na pag-aari.
Sa pinakahuling sequel ng kuwento ng Red Flag, ang bagong iluklok sa trono na ika-11 Panchen Lama ng Tibet ay pinagkalooban ng isang bagong Red Flag Limousine bilang regalo.
|