Dear Kuya Ramon:
Maligayang Pasko at masuwerteng Bagong Taon sa iyo at sa kanila.
Kung ibabalik ko sa iyo ang tanong mo sa akin na "Tuloy ba ang Pasko mo?", ano ang magiging sagot mo?
Sa tingin ko walang negative answer sa tanong mo maliban na lang doon sa ang paniwala ay iba. Kasi parang birthdays din natin iyan. Gusto man nating kalimutan dahil ayaw nating tumanda o ayaw nating maghanda, dumarating din. Walang sinumang makakapigil. Pero ang pinag-uusapan nating birthday ay hindi sa iyo o sa akin, kundi kay Jesus kaya espesyal na espesyal ito. Dapat nating i-celebrate iyan dahil sa araw na iyan ng pagsilang ni Baby Jesus at sumiling din ang pag-asa natin na magtamo ng buhay na walang hanggan.
Ano ang kahulugan ng Pasko para sa iyo?
Para sa akin, ang Pasko ay araw ng pasasalamat para sa lahat ng biyayang natanggap natin at matatanggap pa at para sa pagkakaroon natin ng isang tagapagligtas. Ito ay araw din ng pagsasama-sama ng mga magkakapamilya para sa magkakasamang pagpuri at pasasalamat sa Diyos.
Sana Kuya Ramon magpatugtog ka nang magpatugtog ng Christmas carols sa Dec. 25, dahil ang araw na ito ay natapat sa Gabi ng Musika. Request ko ang kay Jose Marie Chan at ang sa Carpenters--kung meron?
Wala pa ba tayong calendar?
Magaling na magaling ka na ba Kuya? Alam mo naman siguro na kaligayahan namin dito ang paggaling mo.
Siguro hanggang dito na lang muna ang sulat na ito.
Lovingly Yours,
Angelica Armando
Villa Carolina Townhomes
Paranaque, M.M.
|