Sa ngalan nina pangulong Hu Jintao at premyer Wen Jiabao ng Tsina, kinumusta dito sa Beijing noong Sabado ni Tang Jiaxuan, kasangguni ng estado ng Tsina, si dating haring Norodom Sihanouk at kanyang maybahay at si haring Norodom Sihamoni ng Cambodia, at pinarating niya sa kanila ang bating pambagong taon ng mga lider Tsino. Binigyan-diin ni Tang na mataas na pinahahalagahan ng kanyang pamahalaan ang relasyon nila ng Cambodia. Nakahanda ang Tsina, kasama ng panig Cambodian, na pataasin ang kanilang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa isang bagong lebel para mapanatili ang pagkakaibigan ng kanilang mga mamamayan sa hene-henerasyon. Ipinahayag naman nina Sihanouk at Sihamoni na tulad ng dati, kakatigan ng kanilang mamamayan at pamahalaan ang dakilang usapin ng reunipikasyon ng Tsina, at umaasa silang makapagtatamo ang Tsina ng mas malaking tagumpay.
Ayon sa pinakahuling ulat ng isang instituto ng Thailand, sapul nang komprehensibong maisaoperasyon ang malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN noong Enero ng nagdaang taon, mabilis na lumalaki ang kalakalan ng ASEAN. Ayon sa estadistika, pawang mabilis na lumaki ang pagluluwas ng mga bansang ASEAN noong isang taon, umabot sa 14% ang paglaki ng Pilipinas, 7% ang Malaysia at Indonesya, 5% ang Singapore at ang Thailand naman ay nangunguna sa sampung bansang ASEAN na may paglaki ng 22%.
Ang kasalukuyang taon ay "Taon ng Pagkakaibigan at Pagtutulungan ng Tsina at ASEAN". Sa taong ito, papasok sa isang bagong yugto ng komprehensibong pag-unlad ang relasyong pangkooperasyon ng Tsina at ASEAN, lalung-lalo na ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig. Kaugnay nito, sinabi ng mga ekspertong Tsino na pagkaraan ng 15 taong pagsisikap, nagkamit na ang Tsina at ASEAN ng kapansin-pansing bunga sa kooperasyon. Ipinalalagay din nila na sa taong 2006, may 5 pangunahing elemento na makakaapekto sa pag-unlad ng kabuhayan at kalakalan ng Tsina at ASEAN: 1. mabilis na paglaki ng kalakalan; 2. pagsimula ng pagbubukas ng pamilihan ng kalakalan ng serbisyo; 3. pagpapabuti ng episiyensiya at kapaligiran ng pamumuhunan; 4. ang paglaki ng kabuhayan at kalakalang panlabas ng Tsina at ASEAN ay makakaapekto sa pag-unlad ng bilateral na kabuhayan at kalakalan ng Tsina at mga bansang ASEAN at 5. kalagayang pangkabuhayan ng daigdig at kooperasyong panrehiyon ng Silangang Asya ay makakaapekto sa bilateral na kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Ayon sa pinakahuling estadistika ng kawanihan ng turismo ng Thailand, na sa taong 2005, umabot sa 840 libo ang mga turistang Tsino sa Thailand na lumaki nang 12% kumapara sa noong isang taon. Ayon pa sa estadistika ng nasabing kawanihan, patuloy na lalaki nang malaki ang bilang ng mga turistang Tsino sa Thailand sa taong ito, at tinatayang aabot sa 1.5 hanggang 2 milyong ang nasabing bilang.
Itatatag sa Pingxiang, lunsod sa timog kanlurang Tsina, ang isang logistic park ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN. Napag-alamang ang saklaw ng naturang logistic park ay aabot sa 120 hektarya, pamumuhunanan ito ng 1.1 bilyong yuan RMB at matatapos ang konstruksyon sa taong 2009.
|