• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-01-09 17:27:06    
Makukulay na mga parke sa Guangzhou

CRI

Ang Memorial Park to the Heroes of the Guangzhou Uprising of 1927 ay nasa Honghuagang at No.3 Zhongshan Avenue. Maraming mga rebolusyonaryo ang binitay dito nang ang paghihimagsik noong 1927 ay nabigo. Isang musoleo ang itinayo noong 1954 bilang alaala sa mga martir. Ang parke ay popular sa magaganda nitong bulaklak at imahinatibong rock gardens.

Ang Yuexiu Park ay nasa hilagang bahagi ng Guangzhou. Nandito sa parkeng ito ang batong estatuwa ng maalamat na limang kambing. Sa ituktok ng burol, nakatirik ang Conquering the Sea Tower na nakatanaw sa lunsod. Sapul noong liberasyon, ang parke ay pinalaki at umabot sa lawak na 920,000 kilometro kuwadrado. Ito ay sagana sa mga punong evergreen at mabulaklak na halaman at mayroon ding tatlong artipisyal na lawa, isang stadium, isang roller-kating ring at isang sinehan.

Ang Guangzhou Cultural Park ay matatagpuan sa Xiti, isang purok sa kalunsuran. Ito ay may bulwagan para sa eksibisyon, teatro, bulwagan para sa konsiyerto, playing field at iba pang pasilidad na panglibangan.

Ang Liwanhu Park na natatamnan ng mga puno ng litsiyas ay dating ginagamit bilang summer resort. Kapag ang mga cicada ay nagsimula nang umawit at ang mga litsiyas ay hinog na, papasok na kaagad sa isip ang mga kataga ni Su Dongpo, isang bantog na makata ng Dinastiyang Song: "Sinuman ang makakatikim ng tatlong daang litsiyas sa isang araw ay maaaring manirahan sa Lingnan nang walang hanggang."

Ang Shamian Park ay matatagpuan sa Shamian, isang bilo-habang isla na may 900 metro ang haba at 300 metro ang lapad, at ito ay kilala sa kaiga-igayang kagandahan. Sa panahon ng Dinastiyang Ming, ang isla ay nagsilbing pantalan para sa mga inaangkat mula sa ibayong dagat. Kasunod ng Digmaan ng Opiyo, ang mga Britaniko at Pranses ay nagtayo ng kanilang mga panirahan dito at marami ring mga konsulada ng mga dayuhang bansa ang binuksan. Sa pagbisita sa parke sa ngayon, dapat makita ng bisita ang White Pond at Pearl River sa ilalim ng liwanag ng buwan.

Ang White Cloud Mountain Park ay nagtatayugan sa itaas ng mga burol sa paligid ng Guangzhou, ang bundok na ito ay nagkakaloob ng ispektakular na tanawin ng lunsod mula sa ituktok nito. May mga daanan paakyat sa bundok na kilala sa kanilang matanawing kagandahan at sa tunog ng hangin na umiihip sa pine trees.