• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-01-12 14:21:48    
Isang nilalang na mapagmahal sa orchid at may matayog na moradidad at malaking kakayahan

CRI
Ang mga iskolar sa nangakaraang dinastiya ng Tsina ay mapagmahal sa Chinese plum flower, orchid, kawayan at chrysanthemum, sapagkat ang nasabing apat na klase ng bulaklak at halaman ay may napakagandang karakteristiko. Halimbawa, ang Chinese plum ay lumalaki sa panahon ng talamig samantala, ang orchid ay napakabango. Kaya ang nasabing 4 na uri ng bulaklak at halaman ay tinagur din "flowers and plants of moral integrity".

Ang orchid, na tinatawag din kaffir lily ay labis na pinapupurihan ng mga iskolar, at nag-iwan ng di mabilang na pinta. Narito si madam Zhao Qiuping, isang bantog na pintor na mapagmahal sa orchid.

Si Madam Zhao Qiuping, taga-Minhou, sa Lalawigan ng Fujian, ay isang espesyal na inanyayahang pintor ng culture and art center na tuwirang nasa ilalim China Art Reasearch Institute. Dalubhasa siya sa meticulous painting. Ang mga pinta niya ay maraming ulit na itinanghal sa loob at labas ng bansa, at maraming ulit na nagkamit din ng gantimpala.ang kaniyang mga pinta ay malawakong tinitipon ng mga iskolar sa Hapon, Singapore, Estados Unidos, Australia, Kanlurang Alemanya, Britanya, Pransiya, Hong Kong, Thailand at iba pa.

Si madam Zhao, 57 edad, ay 40 taong nagtatrabaho sa larangan ng pagppinta. Subalit sa pagsisimula niya, ang pagpipinta ay isang interes lamang, at hindi trabaho, siya ay dating isang guro, nagturo siya ng wikang Tsino, fine arts at Ingles, noong 1980's, umalis siya sa kaniyang puwesto at ngaing tagasalin sa isang bahay-kalakal na pinatatakbo ng Tsina at Hapon. Dahil sa magangda niyang pakita at kakayahan sa pag-eeduka sa mga mag-aaral , inimbitahan siya ng boss na Hapones na pumuta sa Hapon para mag-trabaho at tumulong sa kaniya sa pag-tututon sa mga anak niya. Sa karaniwan, ito ay isang magadang pagkakaton para kay Madam Zhao, subalit tinanggihan niya ito, sinbai niya,

"Alam ko na ito ay magadang alok. Subalit bata pa ang aking dalawang anak na lalaki. Kung pupunta ako sa Hapon, sinu-sinong magmamalasakit sa kanila? Hindi ko mapapayagang ang asawa ko lamang antg tuminion sa dalawang kong anak. Maaring matira ang aking pamilya sa pagpunta ko sa Hapon. Tinanggihan ko ang matpat na kahilingan ng boss na Hapones."

Ang kaniyang aksiyon ay hindi naunawaan ng kaniyang boss, at nawala ang pagkakataong iyon. Upang mabuhay, sinimulan niya ang pagpipinta. Ipinagbili niya minsan ang mga pinta niya kambas. Talagang hindi niya naisip na ito ay naging mahalagang pagbabago sa kaniyang buhay.

Noong 1991, si Zhao Qiuping at kanyang pangalawang anak na lalaki na si Zhang Yun ay nagtanghal ng mga pinta sa Fuzhou. Ang nasabing eksibisyon ng mga pinta ay nagkaroon ng malaking reaksyon, Mula noong panahong ito, tinagurian ng mga tao si Zhao na isang pintor. Galak na galak siya sa papuri ng mga taong mapagmahal sa mga pinta. Sinariwa niya,

"Noong panahong iyon, talagang nagagalak ako sa taguri sa akin na pintor. Hindi ako makapaniwala na ako ay totoong isang pintor. Unti-unting nakasanayan ko ang taguring ito. Subalit para sa akin, ang sining ay walang katapusan."

Pagkaraang makapagpinta ng maraming larawan, natuklasan niya na interesadong interesado siya sa orchid. Ito ay may dalawang dahilan: ang orchid ay identiried sa dalisay ng ugli at ang orchid ay may kinalaman sa paingdaanan ng pintor mismo. Noong 1960's, pumuta si Zhao Qiuping sa mga nayon sa hilangang babagi ng Fujian upang sumama sa mga magsasaka sa paggawa. May isang mountain valley sa malapit sa nayon na dapat daanan niya bawat raw. Mabagong mabango ang orchid sa nasabing mountain valley. Sa tingin niya, talagang marikit ang daan sa mountain valley. Pagkaraan ng maraming taon, ang ganda at bango ng orchid ay lagging nasa isip niya. Ito ay pumukas ng kaniyang damdamin sa pagguhit ng orchid. Ang hugis ng bawat dahon ng orchid ay itinanim sa isip niya.

Kung mababanggit ang pinta ni Zhao Qiuping, hindi maaring hindi nabanggit ang karpa. Ang katangian ng kanyang pagguhit ng mga karpa ay walang tubig sa larawan. Kahit walang tubig sa larawan

Parang galing sa tubig ang karpa. Bakit baborito niya ang karpa? At bakit na mahusay siyang gumuhit ng karpa? Ayon sa paliwanag niya:

"Ako ay isinilang sa Minhou, Lalawigan ng Fujian. Noong bata pa ako, nag-alaga ang aking lolo ng maraming karpa, laging kong pinapanood habang lumangoy-langoy ang mga karpa. Talagang maganda ang asta ng mga karpa. Noong panahong iyon, naisip ko na magada kung .. iguguhit ko nang buhay ang mga karpa sa hinaharap!"

Sa pamamagitan ng nasabing pinadaanan sa panahon ng pagkaraan, nakita naming ang maingat na pagmamasid ay ang tanging channel para sa tagumpay ng mga artista.

Ang mayamang kaalaman at mahusay na teknik at pati ang walang puknat na pagsisikap ay talagang hinahangaan ng bawat taong mapagmahal sa pagguhit. Nang sunud-suno na dumating ang karangalan, nakangiting sinabi ni Zhao Qiuping na "kahit hindi sabihin, malalaman sa kaniyang gawa kung ang isang tao ay tunay na pintor."