• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-01-12 14:23:53    
Liham ni Pina Viado

CRI

Dear Friends,

Naririto na naman ako para kulitin kayo ng konti. Teka... babatiin ko muna pala kayo ng hello-hello! Siyempre hindi pwedeng simulan 'tung letter na 'tu without mentioning Ramoncito... Siya ang he-man ng Olongapo (hi-hi-hi jokes lang).

Medyo napabuntunghininga 'ko nu'ng marinig ko na iba na ang color ng inyong programs. Kasi matagal na rin na puro SARS ang laman ng inyong News, Current Affairs at Friday Specials.

'Yung sinasabi ninyong theme ng Shanghai exposition ay pwedeng i-compare sa curcillo. Ang ibig sabihin, gusto natin na painitin ang nagiging maligamgam na relasyon natin sa mga Chinese. Kasi nga matagal na 'to, tapos sa katagalan parang nababawasan na ang init. Kung sisimulan natin uli ang pakikipag-trade sa kanila tulad ng ginawa ng mga Pilipino noong panahon pa ni Mahoma, siyempre magbabalik ang dating init nito. Ganoon eh, di ba?

Ang hula ko doon sa pangalan ng Pinoy band ay Music Horizon. 'Yun ba nga ang buong pangalan? Sa'n ba galing ang banda na 'yun bakit parang hindi namin naririnig dito sa Gapo?

Looks like wala na talagang hassles after SARS kasi parang lively ang mga programs ninyo since middle of June. Live interviews at mga hotel scenes. Lately naman mga Beijing scenes. Maganda ang reception ng transmission niyo dito sa Gapo kaya na-e-enjoy namin in full ang mga programs na ginagawa niyong special para sa amin.

'Yung friends ko dito sa amin tustong sumulat sa inyo kasi nakita nila 'yung wall carpet na bigay niyo sa akin at talaga namang pinuri nila nang pinuri, eh. Unique na unique daw, eh. Kaya lang hindi pa sila nag-try na makinig sa inyong Dear Seksiyong Filipino o other programs. Pwede ba 'yun? Entertainin lang ninyo ang sulat nila kasi mga kaibigan ko sila, eh.

Alam niyo huwag lang talagnag masama ang signal, hindi maaring hindi ko pakinggan ang mga programs ninyo lalo na ang Dear Seksiyong Filipino, kasi mahirap ma-miss ang boses ni Ramoncito. Ang lamlamlamlam, eh. Sana padalhan niyo ako ng picture niya at sana 'yung buo para lalo akong ganahang makinig.

I want to tell you that I am a loyal listener of your Filipino Service and a loyal fan of Ramoncito.

Naku, paano ba 'yan, wala na ata akong masabi, eh. Pasensiya na lang...

Pag may balitang bago susulat agad ako sa inyo.

Take care kay Ramoncito...

Love ya,

Pina Viado

The Blue Note Band

BAJAC - BAJAC

Olongapo City

PHILIPPINES