• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-01-16 15:53:30    
Tsina, nabiyayaan ng masaganang pook na pantutista

CRI
Para as kababayang si Alvin Conlu, ang Tsina ay isang bansang nabiyayaan ng mga masaganang pook na kawili-wili sa mga turistagn dayuhan. Itong mga pook na ito aniya ang nag-iwan sa kaniya ng malalim na impresyon sa Tsina bukod sa paraan ng pangangalakal ng mga kaibigang Tsino.

Sabi niya, sa ngayon, tatlong bagay ang mahal sa kaniya: ang kaniyang mga estudyante, ang magagandang tanawin sa Tsina at ang Tsina mismo.

Nagkaroon kami ng one-on-one ni Alvin pagkatapos ng seminar na ginanap kamakailan sa isang star hotel sa second ring road ng Beijing. Ang seminar ay may kinalaman sa turismo at kapuwa kami naanyayahan-ako bilang brosdcaster at si Alvin bilang travel consultant.

Alam ko na marami sa inyo ang nakakakilala na kay Alvin. Pero sa simula ng aming pag-uusap, ipinakilala pa rin niya ang sarili, para daw sa "mga kabubukas lang ng radyo..."

Bilang karagdagan, sabi ni Alvin sana lumawak pa ang pagpapalitang pangkultura ng Pilipinas ar Tsina. Bilang mga matagal nang matalik na magkaibigang bansa, malaki aniya ang matatamo nating kapakinabangan sa isa't isa sa mahigpit na pagpapalitang pangkultura ng dalawang panig.

Sabi ni Alvin, dahil ang Tsina ay mayaman sa tourist resoutces, maraming klase ng paglalakbay ang magagawa mo rito.Puwede kang mag-eco-tour, puwedeng mag-golf-tour, puwedeng mag-cultural visit at iba pa...

Sabi niya, noong magpunta siya sa Tsina, lalo niyang napatunayan na ang mga kaibigang Tsino ay talagang matatalino pagdating sa negosyo at impressed na impressed siya sa paraan ng paghawak nila ng pera. Tinitiyak nila aniya na bago bitiwan ang pinagpapagurang pera, mayroon itong magandang patutunguhan. Ito aniya ang isang mahalagang bagay na dapat matutuhan nating mga pilipino sa mga Tsino...

Bilang pangwakas, sinabi ni Alvin na kung kailangan ng Serbisyo Filipino ang kaniyang serbisyo, lalo na sa programang Paglalakay sa Tsina, huwag daw kaming mag-aatubiling tawagan siya. Inuulit ko na si Alvin ay isang travel expert at English language teacher.

Orasa na naman para sa pagbabasa ng liham ng tagapakinig dito sa Dear Seksiyong Filipino.

Ang liham na bibigyang-daan natin ay padala ni Melinda V. Ignacio ng Sta. Ana, Manila.

Sabi ng kaniyang liham...

Dear Seksiyong Filipino,

Kumusta po kayong lahat diyan?

Ilang besea na rin akong nakapakinig sa inyong music program. Nagkabisa nang todo sa akin ang mga himig, background at composer. Ayos din naman para sa weekend. Kaya lang medyo talo pag hindi maganda ang signal.

Katulad ng inyong musika, nagkabisa rin sa akin ang mga effects na ginagamit ninyo sa inyong espesyal na programa kung Biyernes pati na rin yung sa Kulturang Tsino.

Mraming na rin akong natutuhan sa inyong Mag-aral Magsalita Sa Wikang Tsino.

Tungkol naman sa kaunlaran ng inyong bansa, malaki ang paniwala ko na himdi magbabago ang ihip ng hangin sa Tsina. Tama sila na hindi maaring hindi maapektuhan ang ekonomiya ng Tsina ng slowdown ng ekonomiya ng mundo. Pero iyon mga ang ipinagkaiba ng Chinese economy. Habang dinuduro, lalong tumatapang. Ang may dala ng tapang na ito ay ang mga pragmatic leaders ng bansa.

Nakakarating dito sa aming lahat ang mga ipinadadala ninyong magazines, paper-cuts, wall carpets, cassette players, transistor radios, t-shirt, bags at kung anu-ano pang papremyo. Maraming salamat sa inyo sa ngalan ng mga miyembro ng aming grupo.

Kumuntik ko nang makalimutan na tuwang-tuwa kami sa ginawa ni Ramon na comedy skit last time.

Hanggang dito na lamang at pakaasahan ninyo na magpapatuloy kami ng pagtangkilik sa inyong mga programa.

Gumagalang
Melinda V. Ignacio
Sta. Ana, Manila
Philippines

Thank you so much Melinda, sa iyong sulat at gayundin sa iyong panalangin at pagtitiwala dito sa amin. Mag-uusap tayo sa telepono next week, ha?