Napag-alaman ng mamamahayag mula sa ministri ng komersyo ng Tsina na noong taong 2005, opisyal na pinasimulan ang proseso ng komprehensibong pagbaba ng taripa sa malayang sonang pangkalakalang ng Tsina't ASEAN, at pumasok sa bagong yugto ng malalim at komprehensibong pag-unlad ang pagtutulungang pangkalakalan ng dalawang panig. Ayon sa estadistika, mula Enero hanggang Nobyembre ng nagdaang taon, umabot sa 117.24 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina't ASEAN na tumaas nang 23.5% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Ayon sa pagsalaysay ng ministri ng komersyo ng Tsina na walang humapy na tumataas ang proporsyon ng bilateral na kalakalan ng Tsina't ASEAN sa kabuuang halaga ng kalakalan panlabas ng Tsina na tumaas sa 9.14% sa taong 2005 mula sa nakaraang 3.55% sa taong 1975.
Idinaos noong Sabado sa paliparan ng Chongqing, lunsod sa timog kanlurang Tsina, ang maiden flight ng cargo flight course sa pagitan ng Chongqing, Bangkok at Kuala Lumpur at ito ay palatandaan ng pormal na pagsasaoperasyon ng kauna-unahang direct cargo flight mula sa interyor ng Tsina tungo sa Timog Silangang Asya. Ang flight na ito ay isasagawa ng Transmile Air, ikalawang pinakamalaking air company ng Malaysia. Isang flight bawat linggo na makakalulan ng 14 na toneladang kargo. Pagkaraang maisaoperasyon ang naturang flight, madaling maipapadala ang mga paninda ng interyor ng Tsina sa mga bansa ng Timog Silangang Asya nang sa gayo'y malaking magpapasulong ng pagpapalagayan ng kalakalan ng Tsina at naturang mga bansa.
Nilagdaan noong Miyerkules sa Bangkok ng Tsina at Tailand ang isang kasunduan ng pagtutulungang pang-edukasyon para komprehensibong mapasulong ang pangmatagalang kooperasyong pangkaibigan, lalo na ang pag-unlad ng pag-tuturo ng Chinese language. Lumahok si Zhang Xinsheng, pangalawang ministro ng edukasyon ng Tsina at ministro ng edukasyon ng Tailand sa seromonya ng paglalagda at nag-usap sila hinggil sa pagpapalitan at pagtutuluangan sa larangang pangedukasyon. Ayon sa kasunduan, lubos na makikipagkooperasyon ang Tsina sa Tailand para maging isang medelo ang Tailand sa pag-tuturo ng Chinese language sa mga bansang dayuhan.
Narito naman ang ilang balita mula sa Pilipinas. Sinabi noong Biyernes ng kagawaran ng suliraning panlabas ng Pilipinas na dahil wala pang nararating na komong palagay ang Pilipinas at Estados Unidos hinggil sa isyu ng karapatan sa pagpigil sa kriminal, hindi maaaring isakatuparan ang warrant of arrest na ipinalabas nang araw ring iyon ng hukumang lokal ng Pilipinas laban sa apat na sundalong Amerikano na inaakusahang nanggahasa sa isang Pilipina. Sinabi rin ng naturang tagapagsalita na ang paglilipat ng kriminal sa kagawaran ng katarungan para pigilin ay hindi isang madaling prosidyur, at ito ay depende sa resulta ng talastasan ng mga pamahalaan ng dalawang bansa.
Ayon sa ulat ng media ng Pilipinas, ipinahayag noong Martes ni pangulong Gloria Macapagal Arroyo, na tinanggihan niya ang mungkahi ni dating pangulong Fidel V. Ramos na tapusin nang maaga ang kaniyang termino bilang pangulo sa darating na Hunyo ng taong 2007. Ipinahayag niyang hinding hindi niya tatapusin nang maaga ang termino niya, maliban na lang kung hihiling ang bagong sinugsogang konstitusyon na dapat magbitaw siya sa kaniyang tungkulin.
Ipinahayag noong isang linggo ng tagapangulo ng komisyon sa isports ng Pilipinas na sisikapin nilang masimulan ang paghahanda para sa ika-15 Asian Games sa Doha sa darating na Marso. Ayon sa ulat kahapon ng Philippine Star, isiniwalat ng nasabing tagapangulo na magsasanggunian sa susunod na buwan ang kaniyang komisyon, ang Philippine Olympic Committee at ang mga kintawan ng samahang pamkalakasan ng iba pang 40 bansa para matiyak ang mga 10 items na magsisilbing pangunahing items ng Pilipinas sa Doha Asian Games na kinabibilangan ng shooting, swimming, boxing, track and field at iba pa. Anya pa, umaasa silang makakakuha ng di-kukulangin sa 5 medalyeng ginto sa Doha Asian Games.
|