• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-01-19 21:24:53    
Bagong Terminal sa Capital International Airport ng Beijing

CRI
Noong ika-20 ng Setyembre, taong 1999, isang eroplano ng China Southern Airlines ang lumapag sa bagong terminal ng Capital International Airport ng Beijing. Ito ang unang operasyong isinagawa bilang pagsubok sa bagong terminal. Sa sumunod na apatnapung araw, tumakbo nang maayos ang operasyon sa bagong terminal na may 1,680 paglipad at paglapag ng mga eroplano. Alas dose ng hatinggabi ng unang araw ng Nobyembre, 1999, isinara ang lumang terminal matapos ang dalawampung taon ng serbisyo.

Sa loob ng dalawampung taon, lumaki nang lumaki ang dami ng pasahero at kargamento. Hindi na matugunan ng pasilidad ng lumang terminal ang lumalaking pangangailangang ito. Isang makabagong terminal na ang kinakailangan. Matapos ang apat na taong konstruksyon ng mga sampung lubong manggagawa, isang bago at abuhing-asul na terminal ang lumitaw sa kahabaan ng hindi pa nalilinang na lupaing malapit sa lumang terminal. Tila isa itong pakpak ng napakalaking eroplano, kung titingnan sa malayo.

Itinatampok ng bagong terminal ang kaluwagan, kaginhawahan at may panlasang kaayusan. Upang matugunan nito ang pangangailangang panginternasyunal, kinalap mula sa iba't ibang bahagi ng mundo ang disenyo at teknolohiya nito. Inanyayahan ang kapwa lokal at internasyunal na public bids para sa lahat ng kagamitan at pasilidad. Ngayon, ang paliparang ito ay may mga sistema sa ground-information management, automatic baggage-sorting, departure, television monitoring, security check, computerized boarding para sa pasahero, barrierless facilities para sa may kapansanan at iba pa.

Kabilang sa proyekto ng muling pagtatayo ng Capital International Airport ng Beijing ang pagkukumpuni sa lumang terminal. Inaasahang makapagsisilbi ito sa 35 milyong pasahero, makapaglalaman ng 780,000 tonelada ng kalakal at may 190,000 paglipad at paglapag bawat taon sa oras na matapos ang pagkukumpuni.

Ang bagong terminal ng Capital International Airport ng Beijing ang pinakamalaking paliparang pang-internasyunal sa lawak man o sa kakayahang pantransportasyon.