• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-01-19 21:25:49    
Liham ni Rolly de Mesa

CRI

Dear Ramon,

Nandito na naman si Mr.Security. Maikso lang ang pag-uusap natin sa telepono kaya itong sulat na ito ang continuation ng pag-uusap natin sa phone. Hindi tayo maaring mag-usap nang matagal sa telepono kaya daanin na lang natin sa sulat.

Wala pang isang buwan noong huling mag-usap tayo, hindi ba, pare?

Gusto ko munang kumustahin ireng ninyo na sinalihan ko. Tungkol din sa China. Ireng pinakahuli. Bakit parang wala ata akong natanggap na acknowledgement o announcenet ng winners? Hindi na ako interesado, para sa prize. Gusto ko lang malaman kung tama ang mga sagot ko. Gusto ko rin kasing matest ang memory ko.

Natanggap ko na iyong t-shirt na consolation prize ko sa guessing game mo. Sayang, hindi umabot ang sulat ko. DVD na sana, ano?

Natapos na pala ang session ng inyong kongreso. Buti pa kayo diyan well-organized at matahimik na nagtatrabaho ang mga miyembro ng kongreso. Hindi sila namumulitika at hindi nila kailangang mamulitika. Ang atensiyon nila nasa pambansang isyu. Congratulations sa inyong lahat.

Mon, gusto kong pasalamatan ang inyong Filipino Service sa pagbibigay ng importansiya sa akin at sa mga correspondence ko. Halos lahat na ata ng sulat ko nabasa na ninyo.

Maganda ang dating ng Valentine's Day program mo Mukhang nagbukas ka ng pages of history. Ayos na ayos ang concept. Heart na heart ang dating.

Tungkol naman sa iyong mga gimmick, wala akong masabi. Ang lakas maka-attrack ng mga ire lalo na ireng guessing games. Ituloy mo lang, pare. Pati iyong cooking show nga pala okay din. Keep it up, pare. Nasa likod mo kaming lahat.

I am proud of you.

Rolly de Mesa

Balik-Balik,

Sampaloc, Manila

Philippines