Ang mga pistang tradisyonal ng Tsina ay nanggaling sa mga mahahalagang pangyayari noong unang panahon. Halimbawa, dati-rati kapag masagana ang ani, nagtitipun-tipon ang mga tao at nagtatanghal ng "gala performances" bilang pagdiriwang sa kanilang magandang kapalaran. Kapag may naganap namang malaking kapahamakan na dulot ng kalikasan, ang mga tao ay naghahandog ng mga sakripisyo sa mga Diyus-diyosan at sa kanilang mga ninuno para makatanggap ng pagpapala. Ang pagpapalit ng panahon, ang mga bulaklak sa tagsipol at ang maliwanag na buwan sa taglagas, ang lahat ng mga ito, ay nakakapukaw sa pananabik ng mga tao na mamuhay nang mas maayos. Samakatwid, ang mga malikhaing aktibidad ay idinaraos bilang pagpapahalaga sa naturang mga pangyayari, at unti-unting naging pista ang mga aktibidad na ito.
Ang pinaka-impotantent pista sa Tsina ay ang Spring Festival. Diumano, ang pinagmulan nito ay ang Winter Sacrifice, isang kaugaliang sinusunod ng mga tao ng primitibong lipunan.
Sa paghahalinhinan ng masungit na taglamig at may kainitang tagsibol, nagtitipun-tipon ang lahat ng miyembro ng isang angkan. Dala nila ang lahat ng mga nakuha nila sa pangangaso at pangingisda at mga ani sa bukid.
Nagpapasalamat sila sa mga Diyus-diyosan at sa biyaya ng kalikasan na kinabibilangan ng mga bundok, ilog, araw, buwan at mga bituin. Nagpapasalamat din sila sa kanilang mga ninuno. Pagkatapos'y magkakasamang pinagsasaluhan at pinagtatamasahan nila ang kasaganaan ng lupa, dagat, hangin at bukid sa pamamagitan ng masayang pagkain, pagsasayaw at pagkanta. Sa simula, walang takdang petsa ang naturang aktibidad. Pero, karaniwang idinaraos ito tuwing magtatapos ang bawa't taglamig. Unti-unti ng sinimulang ipagdiwang ito sa pagtatapos ng lumang taon o sa pagsisimula ng bago. Kasabay ng mga naganap na pagbabago at disintegrasyon ng primitibong lipunan, nabago din ang porma at nilalaman ng Winter Sacrifice. Noong bandang huli, ito ay naging isa nang pista bilang pagpapaalam sa lumang taon at pagsalubong sa bago. Sa gayon, naging Spring Festival ang Winter Sacrifice.
Ang lahat ng mga pistang tradisyonal sa Tsina ay nababatay sa Chinese Lunar Calendar. At ang Spring Festival naman ay nagsisilbing tanda ng pagsisimula ng Chinese Lunar New Year. Sa wikang Tsino, ginagamit din dito ang salitang "Guo Nian" na nangangahulugang palayuin ang monster na Nian.
Maraming alamat tungkol sa pinanggalingan nito. At ang pinakapopular sa mga ito ay ang sumusunod: noong unang panahon, isang mabangis na monster daw ang Nian. Ito ay isang animo'y malakas na toro na may ulo ng leon. Madalas, ito'y naggala sa pinakapusod ng bundok at naninila ng ibang mga hayop. Ngunit kung taglamig, hindi ito nakakakuha ng sapat na pagkain. Kaya, minsan lumabas ito ng kanyang lungga sa bundok at pumunta sa mga nayon upang kanin ang numang nahuhuli nito. Ang mga taga-nayon naman ay natakot at lumisan sila ng kanilang nayon upang makaligtas sa mabangis na moster na ito. Pero noong bandang huli, natuklasan ng mga tao na kahit na halimaw ang Nian, meron itong tatlong bagay na kinatatakutan. Ano ang mga bagay na ito?
Bago muling bumalik ang Nian, pinintahan ng pula ng bawa't pamilya ang mga pinto ng kani-kanilang bahay at nagparikit sila ng apoy sa pintuan. Bukod dito, buong magdamag pa nilang pinagpapalo kung anu-anong bagay upang makalikha ng ingay. At mula noon, kailanma'y hindi na muling pumasok sa mga nayon ang Nian.
Sa gayon, isang tradisyon ang naestablisa at sinusunod ng mga tao. Noong bandang huli, natuklasan ng mga tao na nakalikha ang pagsusunog ng kawayan ng "crackling sound". At hindi nagtagal, ang ingay ng cracking bamboo naman ay siyang nahalinhan ng "firecrackers". At ito ang pinagmulan ng kaugalian ng pagpapaputok ng firecrackers bilang pagdiriwang sa Spring Festival.
|