• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2006-01-23 10:43:08    
Enero ika-15 hanggang ika-21

CRI
Isiniwalat noong Lunes ni pangalawang ministro Yi Xiaozhun ng komersyo ng Tsina na noong nakaraang taon, umabot sa 130.4 bilyong dolyares ang halaga ng kalakalan ng Tsina at Asean na lumaki nang 23.1% kumpara sa tinalikdang taon. Sinabi ni Yi na noong ika-20 ng nakaraang Hulyo, pinasimulan ang pagpapababa ng taripa ng mahigit 7000 uri ng paninda sa malayang sonang pangkalakalan ng Tsina't Asean, samantala, maalwang pauunlarin ang kalakalan ng serbisyo at kasunduan ng pamumuhunan. Isinilasay din niyang sapul nang isagawa ang kooperasyong pangkabuhayan ng Greater Mekong Subregion (GMS), mahigit 10 taon na ang nakararaan, mabungang naisakatuparan ng 6 bansa ng GMS ang mahigit 100 proyektong pangkooperasyon, naisagawa ang ilang kapansin-pansing proyekto at napasulong ang kabuhayan at lipunan ng iba't ibang bansa. Ayon pa sa estadistika, noong taong nagdaan, kauna-unahang lumampas sa 5 bilyong dolyares ang halaga ng kalakalang panlabas ng Rehiyong Autonomo ng Zhuang ng Guangxi sa Timog-Tsina at ang ASEAN ay naging pinakamalaking pangkalakalang partner sa Guangxi nitong nagdaang 7 taong singkad.

Ipinahayag dito sa Beijing noong Miyerkules ni Chin Siat Yoon, embahador ng Singapore sa Tsina na ang malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN ay isang pangunahing elemento ng pag-uugnayang pangkabuhayan ng dalawang panig, at kasunod ng pagbubukas ng industriya ng serbisyo at pamumuhunan ng sonang ito, patuloy na lumalaki nang malaki ang kalakalan at kabuhayan ng dalawang panig. Sinabi ni Chin na ang patuloy na paglaki ng bolume ng kalakalan ng Tsina at ASEAN ay isang mahalagang puwersang pantulak sa kabuhayang pangrehiyon. Isiniwalat din niyang napagpasiyahan ng mga lider ng ASEAN na magdaraos ng summit ng ASEAN at Tsina bilang paggunita sa komprehesibong pag-unlad ng relasyong pangkaibigan ng dalawang panig, ito ay isang palatandaan ng pagkakabigan ng Tsina at ASEAN.

Nakipagtagpo noong Huwebes sa Beijing si premyer Wen Jiabao ng Tsina kay Willy Gaa, papalis na embahador ng Pilipinas sa Tsina. Sa pagtatagpo, hinahangaan ni Wen ang ambag ni Gaa sa kanyang termino para mapaunlad ang relasyong Sino-Pilipino at ipinahayag din niya na magkakaloob ang pamahalaang Tsino ng kaginhawa at pagkatig sa gawain ng susunod na embahador.

       

Sa kanyang pakikipagtagpo dito sa Beijing noong Lunes kay dumadalaw na dating punong ministrong Chavalit Yongchaiyudh ng Thailand, ipinahayag ni pangalawang premiyer Hui Liangyu ng Tsina na umaasa siyang lalo pang mapapalwak ng Tsina at Thailand ang kooperasyong may mutuwal na kapakinapangan sa iba't ibang larangan. Sinabi ni Hui na sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Thailand, itinatag na ng dalawang bansa ang komprehensibong relasyong pangkaibigan. Kinakatigan ng dalawang bansa sa mga suliraning pandaigdig, walang humpay na napapalwak ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan at lumalaki nang husto ang pagpapalitang di-pampamahalaan. Umaasa siyang lalo pang mapapasulong ng dalawang panig ang pag-unlad ng kanilang estratehikong relasyong pangkooperasyon. Ipinahayag ni Chavlit na pinasalamatan ng Thailand ang pamahalaan at mga mamamayan ng Tsina sa tulong sa mamamayan ng Thailand. Umaasa siyang mapapalakas ng dalawang bansa ang pagpapalitan ng mga kabataan ng dalawang bansa at kooperasyon sa larangan ng kultura at edukasyon. Nakipagtagpo naman kay Chavalit si tagapangulo Jia Qinglin ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, CPPCC. Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Jia na nakahanda ang kanyang bansa na magsikap, kamasa ng panig Thai, para walang humpay na mapasulong ang estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa. Sinabi rin ni Jia na ang relasyong Sino-Thai ay isang mahalagang bahagi ng relasyon ng Tsina at ASEAN. Ipinahayag naman ni Chavalit na nakahanda ang kanyang bansa na pasulungin ang estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan.

Nangumusta noong Biyernes sa Beijing si premyer Wen Jiabao ng Tsina kay dating haring Norodom Sihanouk ng Kambodya at umaasa siya na patuloy na pag-uukulan ng pansin at kakatigan ni Sihanouk ang kooperasyong pangkaibigan ng Tsina at Kambodya sa iba't ibang larangan para makapagbigay ng bagong ambag sa walang humpay na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Ipinahayag naman ni Sihanouk na patuloy na mananangan ang kasalukuyang pamahalaan at royal family ng Kambodya sa patakarang pangkaibigan sa Tsina at hinding hindi magbabago ang kanilang pagkatig sa reunipikasyon ng Tsina.