Kung diyan sa Pilipinas ay hindi nawawala ang letseplan, spaghetti, macaroni salad, pan-Amerikano, keso at hamon sa hapag-kainan kung Pasko at Bagong Taon, dito sa Tsina naman hindi maaring hindi ihanda ng mga Chinese kung Lunar New Year ang Jiaozi, Yuanxiao at Niangao.
Ang Jiaozi ay kinakain ng mga Chinese, lalo na ng mga taga-hilaga, sa dalawang kadahilanan: una, ang bigkas ng salitang Jiaozi sa Chinsese ay nagpapahayag ng pamamaalam sa lumang taon at pagtanggap sa bago; ikalawa, ang Jiaozi ay may mapalad na hugis ng masa ng ginto ng sinaunang Tsina, at ang hugis na ito ay nangangahulugan ng hayaang pumasok sa bahay ang pera.
Popular din ang Jiaozi sa mga kababayan na dito sa Tsina pinararaan ang Lunar New Year. Sabi ni Lily Pilar, hindi lang siya marunong kumain ng Jiaozi, marunong din siyang gumawa nito.
Ang Jiaozi ay isinisilbi ng mga Chinese sa iba't ibang kaakit-akit na paraan. May mga nagpapalaman ng candy bilang pagbati ng Manigong Bagong Taon. Mayroon din namang nagpapalaman ng coin at sinuman na makakakain nito ay makapagtanggap ng buhay na mariwasa.
Kung ang Jiaozi ang paborito ng mga taga-hilagang Tsina, ang Yuanxiao ay Niangao naman ang ipinagmamalaki ng mga taga-timog.
Ang Yuanxiao ay sumasagisag sa pagsasama-sama ng pamilya at ang Niangao naman ay nangangahulugan ng sumulong bawat taon.
Ilang araw pa bago mag-Spring Festival, talagang pinagkakaabalahan na ng mga Chinese ang pagluluto ng iba't ibang masasarap na pagkain at sinisiguro nila na ang bawat pagkaing maluluto ay talagang masarap at sumasagisag sa magandang kapalaran...
Dumako naman tayo sa pagbabasa ng New Year Message ng mga tagapakinig.
Sabi ni Connie Raymundo ng Yishun Ring Road, Singapore: Tatlo ang wish ko: pagkakaisa ng mga pulitikong Pilipino for a better Philippines; ang pagpapatuloy ng pagtatag ng Tsina bilang vanguard ng Asia at equal distribution ng resources ng mundo at kapayapaan sa mundo. Iyan ang wish ko sa Year of the Dog.
Sabi naman ni Lourdes Nartates ng Bigornia Drive, Singapore: Happy Lunar New year sa inyo sa Filipino Section at sa buong CRI. Malayo na ang narating ng Filipino Service ng CRI at malayo pa ang mararating. Sana sa pagpasok ng bagong Lunar Year, manatiling malakas ang inyong mga pangngatawan para lalo ninyo kaming mabigyan ng magagandang programa na gaya ng lagi ninyong ibino-broadcast.
Sabi naman ni Natalie Baylon ng Carlson Mansion, King's Road, Hong Kong: Happy New Year and more power sa inyong lahat diyan. Sana dumalas ang pagtuturo ninyo ng pagluluto ng Chinese foods sa taong ito. Natutuwa kaming pag-aralan kung paano ninyo iniluluto at ihihahanda ang inyong pagkain. Nalalaman din naming mula sa inyo ang nutritional value ng mga pytaheng natututhan naming lutuin. Sana dumami rin ang inyong mga papremyo at papanalunin niyo naman kami.
Maraming salamat sa inyong tatlo Connie, Lourdes at Natalie. Sana magpatuloy kayo ng pakikinig at pagsulat sa amin.
|